𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉𝑒𝓇 𝟤𝟧

1.1K 20 0
                                    

Gio Clint's Pov
Wednesday

"Ouch!" Sigaw ko ng mapadiin ang bulak na nilalagay ni Aron sa may bibig ko.

"Chill pare. Konti pa" sabi nya at saka nag patuloy.

Pagtapos ng mga nangyayari,hindi ko na alam kung ano nga ba yung mararamdaman ko kay Rinoya.

Galit na may kasamang awa.

I'm so lucky dahil hindi naging ganon ang parents ko saamin. They let us to be happy. They support what we want to be.

"A-are you okay?" Narinig kong tanong ni Erina dahilan para mapatingala ako.

"Uhm,yes. Maliit na sugat lang toh. Malayo sa bituka" sagot ko sakanya. Tumango naman siya at lumakad na pabalik sa mga kaibigan nya.

"Grabe Clint yung galit ko kanina" natatawang sabi ni kuya Ruru na ikinatawa ko naman.

"Ang kapal naman kase ng mukha nya para pumunta dito."

"Oo nga eh."

__**__

Dumeretso ako sa kuwarto matapos gamutin ni Aron yung sugat ko. Ang sakit ng panga ko buwisit!

"Letcheng yon! Lakas sasapak!" Inis na sabi ko habang tinitignan yung sarili ko sa salamin.

Napatigil nalang ako ng may kumatok sa pinto.

Sino naman toh?

"Bukas yang pinto." Sigaw ko at saka pabagsak na humiga sa kama.

"Ehem" naagaw nito ang pansin ko kaya naman umupo ako ng maayos.

"O-oh Riri ikaw pala."

"Are you okay? Patabi ha?" Tanong nya habang nakaturo sa space sa tabi ko.

"Uh,sure" umusog ako para maka upo din siya,

"I'm okay. No need to worry. Ikaw ba? Okay ka lang?" Tanong ko habanh nakatingin sa mukha nya.

Medyo maga yung mata nya dahil sa pag iyak.

"I'm okay. Na realize ko na di na dapat ako umiiyak dahil sakanya. I'll just accept the truth na may family na siya." Bumaba ang tingin nya sa sahig.

"Feelings fade" sagot ko dahilan para lingunin nya ako.

"Feelings fade?" Napakunot ang noo nya.

Tumango ako.

"Yes,nothing is permanent. Pero feelings fade lalo na kapag nawawalan ka na ng connection sa taong yon. Or minsan kapag hindi mo na nararamdaman yung presensya."

Gaya ng nararamdaman ko kay Michelle. Nagbago yon dahil sa tagal nyang nawala. Nabago yon at nabaling sayo.

Sana pwede kong sabihing gusto kita.
Sana pwede kong sabihin sayong ayokong umiiyak at nasasaktan ka.

Sana pwede kong sabihin sayo na gusto kitang protektahan.

"Tama ka nga siguro,unti unti na rin kaseng nawawala yung feelings ko sakanya at patuloy 'yong nababaling sa iba." Nakangiti nyang sabi na ikinalaki ng mata ko.

Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon