Narita Aiko's Pov
Naglalakad ako pabalik sa cottage.
Lutang pa din,naghahanap pa din ng sagot sa mga katanungan.Know what?
Minsan kase alam na natin mismo sa sarili natin yung sagot. Pero naghahanap pa rin tayo ng ibang sagot kase hindi yun ang gusto natin.
And that hits me hard.
Baka kase matagal ko na palang alam ang sagot pero hindi ko lang matanggap.
Bakit nga ba kase ako nagkakaganto? Bakit ang big deal saken ng mga nararamdaman ko? Diba dapat wala lang naman toh sakin?
"Ay sorry miss!!!"
Nabigla ako ng bigla akong mabunggo ng isa sa mga naka salubong ko. Malakas iyon dahilan para mapa upo ako.
"A-aray.." napahawak pa ako sa balakang ko.
Agad naman nya akong tinulungang tumayo at saka sya humingi ng humingi ng paumanhin.
"Sorry talaga miss,di ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako,pasensya na." Inalalayan nya pa akong maglakad.
Napatingin ako sakanya. Well, matangkad sya at may itsura. Mukha syang may lahing intsik o hapon.
"Okay lang,hehe. Kaya kong maglakad, wag mo na akong alalayan. Diba nagmamadali ka?"
Hindi naman na gaanong masakit. Hindi naman kase ako tumilampon para mag inarte diba? Saka kaya ko naman talagang maglakad.
"No,hahatid na kita sa cottage nyo. Baka kung ano pang mangyari sayo eh." Pag pupumilit nya at saka sya ngumiti.
Sa tingin ko ay wala na akong magagawa kaya hinayaan ko nalang sya.
"Sorry ulit ha? Saka bakit parang kanina pa ang lalim lalim ng iniisip mo? Okay ka lang ba?"
Nilingon ko sya.
"Oo naman,ayos lang ako." I gave him a reassuring smile.
Tumango naman sya.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Tahimik ko lang ding pinagmamasdan yung paligid. Ang saya saya nilang tignan. Kung tutuusin masaya naman talagang maligo dito, hindi ko nga lang alam kung bakit iba ang dating nito saakin ngayon. Dahil ba wala akong kasama?
"Dito nalang,salamat ng marami ha?" Hinarap ko sya at nagpaalam na habang sya nilabas ang phone nya.
"Can I get your Facebook username?" Nagtype pa sya dito at ngumti pa sakin.
Anong kala mo, porket gwapo ka ibibigay ko na sayo fb username ko? Hindi maaari! Pero Narita Aiko Tadashi talaga-
"Riri? Sino yan?" Natigil ako sa pag iisip ng biglang may nagsalita sa likod ko.
Natameme lang ako nang makita kong si Gio ang nagsalita.
"A-ah ano kase... ano.."
"Ano?" Tumaas pa ang kilay nito.
"Ano,tara na hinahanap na tayo dun." Hila ko pa sakanya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]
Romance𝙸 𝚌𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚒𝚝 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚜𝚒𝚖𝚙𝚕𝚎 𝚞𝚗𝚎𝚡𝚙𝚎𝚌𝚝𝚎𝚍 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝙿𝚕𝚊𝚗𝚊𝚍𝚘 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝..𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚜𝚒𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚝𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚒𝚗,𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚗𝚊𝚐𝚔𝚊𝚖𝚊𝚕𝚒 𝚊𝚔...