KRIS
Suot ang Magenta Pencil Skirt na parang high -waisted cut ang dating, body fit, at isang manipis na gold belt at lilac top sa ilalim ng lab gown na suot, dala-dala ko sa kaliwang kamay ang paper bag na regalo ko kay Lav. Hindi yung paper bag ang regalo ko ah, yun laman! Dumeretso kaagad ako sa 4th floor kung saan ang kwarto niya. Binati naman kaagad ako ng mga nurse sa hallway papunta sa kwarto nito.
"Ate!" Masayang bati nito pagkabukas ko ng pinto. Kumaway kaagad ako rito saka ngumiti.
"Hello Lav!" Ngumiti naman si Che sa akin saka ako nito inalok ng makakain.
"Doktora Ocampo kain po muna kayo. Naparami po kasi ang pinadalang pagkain ni Doktora Joene kanina." Sabi pa niya sabay abot ng donut. Aba hindi naman ako pakipot na klase ng tao kaya tinanggap ko. Bali early snack ko na rin ito noh.
"Ate ano po yang dala niyo?" Tanong ni Lav ng mapatingin ito sa dala kung paper bag. Ngumiti naman ako sa kanya saka ito ibinigay.
"Para yan sayo. Diba sabi ko kanina na may ibibigay ako sayo? Heto na yun!" Excited naman nitong tinignan ang loob ng paper bag. Agad namang lumaki ang ngiti niya ng makita ang nasa loob.
"Wow! Para sakin po ba talaga ito? Ang ganda!" Iniyakap kaagad niya ang kulay yellow na medium teddy bear. May ribbon pa ito sa leeg. Binili ko talaga yan para sa kanya para naman hindi siya makaramdam ng takot mamaya sa gagawing tests.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko na agad nitong tinanuan. Yakap yakap na nito ngayon ang teddy bear na hawak nito na para bang ayaw na nitong mahiwalay sa kanya. Napabaling naman ako kay Che ng magsalita ito sa likuran ko.
"Nako doc! Hindi niyo naman po kailangan na bigyan ng laruan si Lav. May laruan na naman po siya pero salamat na rin po." Nahihiyang sabi pa nito.
"Ano ka ba! Okay lang! Tsaka mukhang masaya naman siya sa naging pasalubong ko sa kanya." Tumingin ulit ako kay Lav na ngayon ay parang kinakausap ang teddy bear.
"Hello! Ako si Lav! Ang cute mo naman saka ang bango bango mo pa. Ang ipapangalan ko sa iyo ay Kisses dahil yun ang pangalan ng maganda kong ate na nagbigay sayo sakin!" Natawa naman ako ng bahagya. Alam ko naman na maganda ako hindi naman na kailangan ipangalandakan. Ano ka ba Lav. Ako lang to.
"Paano mo nalaman ang totoo kung pangalan?" Ngingiting tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kasi sinabi o nabangit sa kanya kahapon. Sobrang dalang ko lang gamitin ang buo kung pangalan, tanging sina Driss, ang family niya, ang parents ko at mga kaunti kong kaibigan na nakilala ko sa Harvard ang nakakaalam other than that ay Kris Ocampo na ang pakilala ko. Eh ang haba ng pangalan ko eh! Kung sasabihin ko pa ito ng buo baka bukas pa ako matapos. Okay, medyo exagged yun pero yun naman talaga.
"Tinatawagan ka po kasi kanina ni Doktora Joene dito tapos hindi mo raw po sinasagot kaya may pinagsasabi po siyang mga pangalan. Nagtanong po ako kung sino po yung mga yun at kung bakit niya tinatawag gayong ikaw naman po ang hanap niya, ang sabi niya po sakin ay yung mga sinabi niya raw na pangalan ay ang tunay mo pong name. Ang haba naman po ng name mo ate. Yung Kisses lang ang na aalala ko eh." Napanguso pa ito kaya ako natawa.
BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Teen FictionLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...