Chapter 26|| Try

203 3 0
                                        

KRIS


Dapat ba'ng matuwa ako o ano? Nandito na ngayon sa harapan ko si Ate Zab, pinsan ko, habang kausap muna saglit si Quiro. Naka suot ito ng peach A-line v-neck lace sleeveless mini dress habang naka lugay lang ang ash gray na buhok nito na hanggang balikat lang niya ang haba. Pagkatapos ng pag-uusap naming kanina sa telepono ay sinabi kaagad nito na pupunta dito. Nandito pala siya sa California dahil may inaayos na mga papeles sa sarili nilang Pharmaceutical. Kanina ko lang din nalaman na sila pala ang supplier ng mga Logan sa mga gamot.



Sa lahat ng pinsan ko, si ate Zab ang kina-iingitan ko. Hindi dahil sa mas matanda siya sakin nang walong taon pero dahil sa taglay nitong kagandahan. Bakit hindi eh parang ang lapit niya na sa salitang 'PERFECT'. Sobrang ganda niya to the fact nga kamukha na niya si Gigi Hadid! Oo guys kamukha niya. Matangkad rin si ate Zab, maputi, matalino, maganda ang katawan, mabait saka parang princessa kung kumilos at magsalita. Sa madaling salita, siya ang tipo ng babaeng gusto ni Quiro.



"Hey."



"Ha?"Nakapakurap kaagad ako ng ilang beses. Hindi ko man lang namalayan na natapos na sila sa pag-uusap. Nasa harapan ko na siya ngayon habang tinitignan akong mabuti habang nasa tabi naman nito si Quiro na nakatingin lang samin.



"You've grown into a pretty woman Kris. It's been a long time since I saw you. You were just 10 before, wearing your floral dress while playing to Arki. Now look at you right now, gorgeous and still addicted to purple." Medyo natawa siya sa huling sinabi na ikinanguso ko lang.



"At maganda ka pa rin. Parang hindi ka tumanda teh, mas lalo ka lang gumanda. Daya mo rin. Anong gamit mo para magamit ko rin." Tuluyan na itong natawa sa sinabi ko pero yung klassi ng tawa niya ay parang kanta ng ibon. Ang hina saka ang hinhin. Nahiya yung tawa ko na parang baboy na sinasakal.



"Hindi mo naman kailangan magpaganda eh. You're already beautiful and you already have someone right now." Sabay tingin kay Quiro.



"Eh? Hindi kami noh." Sabi ko pa.



"Ah, hindi PA kayo. Okay, I get it. I just didn't imagine that Quiro here will be that slow in doing his moves to get you. He was the chick magnet since before college." Saka nilingon si Quiro at tinaasan ito ng kilay. Natatawang umiling lang si Quiro rito. Para saan yung 'pa'?



"Magkakilala na kayo noon?" Takhang tanong ko.



"Yeah. Were classmate before in college. I was had a crush to this man but didn't get a chance to be recognized by him cause all he wanted was flings and play time." Napatanga naman ako sa nalaman.



"Hey I like you too before, but I wasn't looking for something serious that time that's why 'WE' didn't happened. But we had great memories before right? And I'm grateful we became friends after." Sagot naman ni Quiro. Okay, may sarili silang mundo. Kahiya sa kanila ha.

The Opposite OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon