Chapter 22|| Yes

182 6 0
                                        

KRIS


Pagod na naglalakad ako sa hallway papunta sa clinic ko. Kakatapos ko lang kasi mag rounds sa may 4rth floor ward ng ospital. May bumabati pa sakin sa may hall hanggan sa maabot ko na ang tapat ng clinic. Papasok na sana ako kung hindi lang ako hinarang ng pagmumukha ni Apple.



"Tumabi ka Apple kung ayaw mong hampasin kita nitong stethoscope na dala-dala ko. Pagod ako ngayon kaya wag mo kong binu-bwesit." Inis na sabi ko pa.



"Eh Doc lagi ka namang pagod this past few weeks eh. Tsaka may naghahanap sayo sa loob." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Naghahanap? Sino naman? Wala naman akong inaasahang bibisita ngayon ah.



"Sino?" Hilaw lang na ngumisi si Apple sakin saka mahinang napakamot sa ulo nito.



"A-Ahhh, hehehe hindi ko po natanong ang pangalan doc eh." Natampal ko nalang ang sariling noo dahil sa naging sagot nito. Ano pa ba ang aasahan ko sa assistant kong to?



"Ewan ko sayo Apple. Tabi na diyan ng makita ko kong sino." Napakamot uli ito sa sariling ulo saka tumabi sa daraanan ko. May kuto ba ang isang to? Kamot ng kamo eh.



"Sorry talaga doc. Sa susunod po magtatanong na ako." Sabi pa niya.



"At sa susunod rin ay mananakawan na tayo sa pinaggagawa mo." Saka ko pinihit ang door knob at pumasok sa loob. Napatingin kaagad ako sa may sofa ng makita may nakaupo dun. Tumayo kaagad ito saka ngumiti sakin.



"Hey."



Anong ginagawa nito dito?



"Hey." Sabi ko pa saka siya nilapitan at bumeso.



"I just came by to check on you. Hindi ka na masyadong dumadalaw sa bahay nila mommy eh. Busy at work?" Umupo ako sa tabi niya saka pagod na tumango.



"Oo eh. Code blue kasi kami kaya naging busy na rin. Bakit pala di mo kasama si baby pogi ko?" Tanong ko sa kanya ng mapansin na hindi nga nito kasama ang anak. Ngayon ko pa talaga napansin ah. Dahil siguro to sa sobrang pagod.



"Well, nakila mommy na muna siya. Busy rin kasi kami ni Zed ngayon sa pag cancel ng mga wedding plans." Dahil sa gulat sa sinabi ay agad ako napatuwid ng upo at gulat na gulat siyang tinignan.



"Hindi na tuloy kasal niyo?! Diba next week na yun? Anong nangyari?! Nangaliwa ba ang gagaong yun sayo ha kaya di na tuloy?! Sabihin mo lang at ng ma bogbog ko ang isang yun!"

The Opposite OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon