Chapter 35|| Save

219 5 0
                                        

KRIS


Magkahalong kaba at panginginig ang nararamdaman ko ngayon. Nung umalis ako sa mansion ng mga Logan pagkatapos naming mag-usap ni Quiro ay nakita kong papasok rin si Driss sa loob. Gulat ito ng makita ako lalo na ang kalagayan ko. Nagpunta kami sa café niya para mag-usap, matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita eh.



"What happened?" Tanong niya habang hinihimas ang likuran ko. Iyak pa rin ako ng iyak habang nasa loob kami ng opisina niya.



"N-Naging sila ni Ate Kairen, Driss. Mahal pa rin niya ang ate ko." Sabi ko pa saka muling umatungal sa pag-iyak. Hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa naging pag-uusap namin kanina. Parang nagbalik ulit ang sakit noon pero mas malala nga lang ngayon.



"W-What?" Gulat itong naka tingin sakin.



"Naging sila pala noon. Siya pala yung tinutukoy ni ate na gusto niyang ipakilala sakin nun. Ang sakit-sakit. Bakit pakiramdam ko sinasalo ko na naman mga tira niya? Bakit hindi ko maramdaman na may halaga ako sa isang tao?"



"You're important to me Kris, don't say that."



"Pero hindi ko maramdaman! Pinipilit ko naman, alam ko mahalaga ako sa mga taong naka pa ligid sakin pero bakit hindi ko maramdaman?! Gusto kong makaramdam Driss, gustong-gusto ko. Kahit sandali lang."



Yung pakiramdam na parang may kulang? Yung kahit dapat masaya ka pero hindi yun ang nararamdaman mo? Yung pakiramdam na may parte sayo na pinipigilan kang maging masaya? Yun ang lagi kong nararamdaman.



"I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry if I failed to make you feel important Kris. But believe me you are. Walang katumbas na salita ang ma-ihahambing kung gaano ka ka-importante sakin. Nung mga panahon na may sakit ako at wala sina mommy, daddy at kuya, ikaw ang nandon para alagaan ako. Nung mga panahon na kailangan ko ng tulong, kahit marami kang ginagawang importante, ni minsan hindi ka umayaw na tulungan ako. Ikaw ang naging tulay samin ni Zed. Tinulungan mo kaming humantong sa ganito, sa kung saan masaya kami. You are the greatest friend, the best friend I ever had. Lagi kang nandyan para sakin, para kay Zed at para kay Rio. You never failed as a friend to us. You always show your support in every way you know. Hindi ko naman alam na may ganyan ka na palang nararamdaman and I'm sorry if I didn't recognize it earlier, I s-should have put much effort to make you feel important. I'm so sorry Kris. I wasn't there when you needed me the most. I failed you."



Nadurog naman ang puso ko sa mga sinabi niya mas lalo na nung nag si labasan ang mga luha sa mata niya.



"Hindi mo naman kasalanan eh. You never failed Driss, ako lang talaga ang may problema. Hindi mo naman kailangan mag-sorry eh. Seeing you happy with your own family makes me feel a better person already, kasi nasasabi ko na rin minsan sa sarili ko na 'Hoy Kris, may na gawa ka ring tama sa mundong to. At least may na tulungan ka. Hindi ka naging sanhi sa pagkawasak nila.'. Masaya ako kasi masaya ka. Masaya ako kasi okay ka na. Isa ka kasi sa mga taong pinapahalagahan ko eh. Ikaw yung taong una kung naging kaibigan. Yung taong hindi ako hinusgahan pagkatapos malaman ang nangyari sakin. Tinanggap mo ako ng buong-buo ng walang pag-aalinlangan and that's already enough for me."

The Opposite OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon