KRIS
Halos ihampas ko na ulo ko sa hini-higaan dahil sa sakit. Nampucha! Anong nangyari?! Parang gumagalaw lahat ng bagay sa paningin ko. Ipinerme ko muna ang sarili saka hinawakan ang ulo. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Anong kabalastugan ginawa ko?
Napatingin naman ako sa paligid at dun nanlaki ang mata. Water mother! Asan ako?! Tumingid kaagad ako sa sarili at mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Water father! Bakit iba na damit ko?! Sht! Na gahasa ba ko kagabi? Tngna! Yung puri kooooooooooooo!
Nanlalabo na mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Quiro. Naka suot lang ito kulay gray na pajama saka itim na sando habang may tuwalya na naka sampay sa leeg nito.
"Oh, your awake now." Sabi pa niya na may munting ngiti sa labi. Bigla nalang nagdilim ang paningin ko saka dali-daling tumayo at pinaghahampas siya.
"Punyeta ka! Mapagsamantala! Rapist! Manyak! Nangunguha ng puri! Walang modo! Anima ka! Ipapakulong kita! Isusumbong kita sa awtoridad! Sa mama ko! Sa papa ko! Sa kapatid mo! Sa pamilya mo ! Sa buong angkan niyo! Sa buong mundo! Isinusumpa kita! HUHUHUHUHU! Yung virginity koooooo!" Umiiyak na sabi ko pa habang pinaghahampas siya. Puro salag lang naman ginagawa niya pero minsan talaga natatamaan na siya sa mga hampas ko.
"The fuck are you talking about?! Nothing happened between us okay?! Geez! Your hands are so damn strong and fucking heavy!" Sabi pa niya sabay pigil sa dalawang kamay ko. Iritadong-iritado ang mukha niya pero nung makita niya ang mga luha sa mata ko agad bumalatay ang pag-aalala at pagkabahala dito.
"Pinagkatiwalaan kita." Sabi ko pa. Bumuntong hininga ito saka dahan-dahan na binitawan ang kamay ko. Pinakatitigan muna ako nito ng mabuti saka inangat ang kamay para maalis ang mga luha sa mata ko.
"Nothing happened between the two of us okay? I slept outside." Sabi pa niya pero hindi pa rin huminto ang luha ko sa pag-agos.
"E-Eh bakit iba na damit ko?"
"Jaq dressed you up last night. Nagsuka ka kasi ng nagsuka kaya nadumihan ang damit na suot mo. I don't want you to sleep in those dirty clothes that's why I ask someone to change you." Ngumiti pa ito bahagya. Ngumit naman ako pabalik dito pero agad nawala yun saka pinaghahampas siya ulit.
"Punyeta ka! Hindi mo nga ako ginalaw pero pinahubaran mo ko sa iba?! Anong drugs hinithit mo ng ma try ko?! Bwesit ka!" Puro 'aray' at 'anuba' ang naririnig ko sa kanya hanggang sa biglang bumukas ulit at pinto at iniluwa ang nasa 50's na babae. Gulat itong napatingin samin lalo na sa katabi ko.
"Damn! You hit like there's no tomorrow woman." Angal pa ni Quiro pero ng makitang nakatingin ako sa harapan na patingin na rin ito dun. "Oh."
BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Teen FictionLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...
