KRIS
Para akong nakakita ng multo dahil sa kaharap ko ngayon. Naka ngiti siya sakin na para ba'ng okay na okay kami. Nagka amnesia ba ang isang to? Pero kilala ako eh. Tinawag pa nga ako sa pangalan ko. Pero kung wala siya amnesia, bakit ngingiti-ngiti siya diyan? Anong pakulo to? Saka bakit sila magkasama ni Quiro?
"You look pretty and I love your hair. I heard you're a doctor now and you're working in L---
"Pwede ba? Tigil-tigilan mo ko sa kaka-english mo. Pinoy ka diba? Kaya magtagalog ka. Hindi dahil blond na yang buhok mo magfe-feeling kano ka na, saka wag mo kong kumustahin na para ba'ng malapit tayong magkaibigan dati kahit hindi naman talaga. Huwag mo kong plastican dahil hindi umuubra sakin acting skills mo. Apply ka muna sa star magic at baka mahasa pa nila yang talent mo." Nawala kaagad ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig sakin.
"You still can't forget about the past huh?" Mahinang tanong niya na pagak ko lang tinawanan.
Sino ba naman ang makakalimot sa ginawa niya? Legend ang isang to eh, kulang nalang gawan ng monomento saka gawaran ng medal. Siya ang dahilan kong bakit nagkanda letche-letche buhay ni Driss noon. Siya ang dahilan kong bakit muntik ng hindi magkatuluyan ang dalawa. Higad rin kasi itong babaeng to noon eh, ewan ko nalang ngayon.
"Funny ka girl. Saang comedy club ka nagtra-trabaho ng ma-ipasara ko." Nahihiyang nag-iwas lang ito ng tingin sakin. "Tingin mo makakalimutan ko ginawa mo sa bestfriend ko? Kung pwede ko lang sana gawin sayo lahat ng ginawa mo sa kaibigan ko ginawa ko na sana eh. Pero hindi naman ako kasing sama ng budhi mo, kaya ito nalang gagawin ko." Agad dumapo ang palad ko sa kaliwang pisnge niya.
"Kris!" Agad niyang hinila si Wys papunta sa likuran niya na parang prino-protektahan. Parang may kumurot bigla sa loob-looban ko dahil sa ginawa niya. Masamang tingin kaagad ang ginawad ko sa kanya.
"Ni hindi ko halos akalain na traydor ka sa sarili mong kapatid. Nakalimutan mo na ba ginawa ng babaeng yan kay Driss? Dahil kong oo ipapaalala ko sayo! Yang babae na yan ang dahilan kong bakit naghirap noon si Driss! Yang babae na yan ang dahilan kong bakit nagkasakitan ang dalawang kaibigan ko! At ang babae na yan ang dahilan kong bakit umiiyak noon ang kapatid mo! Ang bilis mo naman atang makalimot Quiro. Sa katandaan ba yan o sa kalandian na?" Akmang hahawakan ako nito ng umatras ako bahagya na ikina buntong-hininga niya.
"I didn't forget okay? I still can recall everything." Sabi pa niya na mas ikinagalit ko.
"Eh kung ganun naman pala, bakit mo kasama yang babae na yan ngayon?! Ano sa tingin mo mararamdaman ng kapatid mo kapag nalaman niyang nakikipagdate ka sa taong sumira noon sa buhay niya!"
"We're not dating okay?"
BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Fiksi RemajaLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...