KRIS
"Doc. Tawag po kayo sa 4th floor, right wing room number 566" Bungad ni Apple sakin pagkabukas niya ng pintuan. Nasa L.H ako ngayon kasi nga trabaho ko. Doktor is me nga mga ka bebe!
"Oh? Urgent ba? May mga patiente pa ako ngayon tsaka may roaming rin ako mamaya." Dami-daming pinapagawa ah! Tsaka bakit kaya ako pinapatawag dun? Ano na naman kayang meron? Dami ko ng tanong sa sarili ko ah? Para na akong baliw nito.
"Urgent daw po eh. Si Doktora Joene Jane po ang nag papatawag sa inyo." Jownie Jayn, isang Neurosurgeon din na kagaya ko pero itong doktor nga lang nato ay sobrang weird. Yes weird! Eh kasi naman! Nung huling usap naming dalawa sinabi niyang hindi daw maganda ang pakiramdam niya kaya bilang mabuting doktor nagtanong ako kung may masakit ba sa kanya o ano pero ang lokaloka ang sagot lang sakin 'Wala naman. Tinatamad lang ako sa sobrang ganda' May problema sa pag-iisip yung doktor na yun eh. Pupusta talaga ako!
"Shushit naman eh! Sige sige, sabihin mo papunta na ako." Inis sabi ko pa saka tumayo.
"Ah doc ikaw nalang kaya magsabi? Papunta ka nalang naman dun eh kayo alam mo na, para isang bagsakan nalang."
"Ikaw kaya ibagsak ko sa kinatatayuan mo ha Apple? Kumuha kuha pa ako ng personal nurse kung ako rin lang naman gagawa ng mga bagay na pinapagawa ko sayo. Kung ganun lang rin naman pala aba'y magbalot balot ka---
"Ikaw talaga doc! Di ka na mabiro! Joke joke lang! Hmp! Sarap mo rin injecan ng injection eh. HEHE, sige doc alis nako, ako nalang magsasabi kay Doc Joene." Saka isinara nito ang pinto. Bakit napapalibutan ako mga baliw? Normal naman ako ah! Una unggoy tapos ngayon dalawang baliw, ano na naman kaya ang susunod?
Kinuha ko nalang sa likod ng swivel cair ko ang lab gown saka ito sinuot. Well wala naman talaga akong ginagawa masyado ngayon. Nagbabasa lang ako ng mga case ng mga pasyente ko, sadyang tinatamaan lang ng ako ngayon ng katamaran ko. Yes. Minsan talaga tinatamad si Kris Ocampo. Habang nasa bulsa ng lab gown ang kamay ay sumakay kaagad ako sa elevator papuntang 4th floor. Nilakad ko kaagad ang room na sinasabi ni Apple kanina saka ito binuksan. Bumungad sakin si Doktora Joene Jane na nakangiti habang kausap ang isang bata na nakahiga sa hospital bed. Himala at normal kung naabutan ang isang to. Minsan kasi naabutan ko siya sa clinic niya na nag twe-twerk habang ang pwet ay nakaharap sa may pintuan. Ang baboy rin minsan nito eh. Nagpra-practice daw kasi siyang maging dancer, magsho-showdown daw silang dalawa ni Maja Salvador pag nagkataon. Mega ulowl.
"Oh? Tawag mo daw ako?" Bored na tanong ko sa kanya saka naman ito umayos ng tayo. Maganda naman ang isang to. Half Australian kasi ang gaga, may light brown na mga mata, natural na hazelnut brown na buhok, maputi na kutis, saka napaka balingkinitan ng baliw. Kung hindi lang sana to lokaloka most of the time okay na sana siya pero hello! Mas perfect akong tignan noh! Hindi yata mag papakabog ganda ko! Kris Ocampo yata to!
"Nangyari sa buhok mo batla? Mukha kang kuneho na ewan." Shushit rin ang isang to eh. Sarap nila iumpog ni kuya Alvis.
"Pinatawag mo lang ako para laitin? Tatadyakan talaga kita." Natatawang lumapit naman ito sakin saka ikinawit ang kamay sa braso ko.
"Stress much ka batla? Walang sexy nights kaya ganun? Tigang?" Talagang bang doktor to? Nakapasa talaga to sa Med School? Bakit ganito mag-isip? Malala pa sa baliw!
BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Teen FictionLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...
