KRIS
Kakatanggap ko lang ng message ni Driss. Nasa hospital ako ng tumunog ang phone ko sinyales na may nag text o ano pang ka ekekan na meron. Inimbita niya ako sa isang afternoon barbeque sa bahay nila ngayon alas singko at bilang mapagmahal na kaibigan gumora ako! Baka sabihin nila na ang sama ko naman kung tatanggi ako diba? Saka barbeque daw eh, ibig sabihin nun masarap na kainan kaya gora na! Buti nalang rin at hindi ako full day ngayon sa ospital. Umuwi muna ao saglit sa bahay saka nagpalit at muling umalis papunta sa mansion ng mga Logan.
Suot ang periwinkle sheer sleeve square neck blouse at high waisted raw cut jeans short ay lumabas ako sa loob ng sasakyan at pumasok sa loob. Itinuro naman kaagad ng mga katulong nila Driss kung nasan sila. Naabutan ko kaagad ang pamilyang Logan na nagkakasayahan sa backyard garden nila. May long wooden table sa gitna sa loob ng isang double top start tent. May sampung upuan na nakalaan para dun. Sa right side naman, nandun nakalagay ang Samsung's 110- inch Ultra HDTV na nakadikit sa brick wall ng backyard. Habang sa left side naman ay ang long griller nila.
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang nag-iihaw ng barbeque. Si kuya Matt habang naka ng white shorts at walang pang itaas kundi ang apron na kulay black. Naku po! Paki tanggal ang apron ng makita ko ang tunay na grasya! Gwapong gwapo ito habang pokus sa pagluluto ng karne. May hawak itong locking tongs sa kanang kamay habang ang isa ay pinupunas sa pawi nito sa noo. Medyo basa na rin ang buhok nito sa noo dahil sa pawis pati na rin ang braso at leeg.
Ehehehe ulalam.
Halos kapusin ako ng hininga ng mapalingon ito sakin saka ngumiti. Syet! Lord kunin mo na ako!
"Kris! Andyan ka na pala!" Napalingon naman kaagad ang iba pang mga Logan sa kinaroroonan ko.
"Uhh oo. Hello!" Isa isa ko silang nilapitan para ma beso.
Sina tita at tito ay nakaupo sa reclining sa may unahan ng tv. Sina Driss naman kasama ang fiance at anak ay nakaupo sa loob ng tent at masayang pinapanood ang anak na kumakain ng cake habang ang sina kuya Alvis at kuya Raphael ay naglalaro ng ML sa may patio sofa malapit sa pintuan. Kulang ata sila ngayon. Hindi ko nalang ito pinansin at lumapit nalang kay kuya Matt. Sana lang hindi ako magkasala.
"Hi kuya Matt!" Bati ko na ikinangiti niya lang.
"Hi Kris. Pasensya ka na kung hindi kita ma yakap, medyo pawisan kasi ako eh saka amoy ihaw ako. Mamaya nalang kita yayakapin pagnakaligo na ako."
Gusto kong sabihin sa kanya na' nako kuya kahit hindi ka maligo crush parin kita. Ang bango mo parin sa paningin ko' pero hindi ko nalang sinabi dahil baka anong isipin niya. Baka sabihin niyang easy to get ako. Nako, ako ata ang basihan sa pagiging dalagang pilipina.
"Okay lang kuya pero bakit ikaw ang nag-iihaw? Pwede naman ang mga katulong diba?" Kunot noong tanong ko pa. Eh kasi naman, sa kanilang lahat siya lang ang may ginagawa saka ang mga katulong sa loob nasa kusina lang nag chichismisan. Kawawa tuloy siya.
"Ah, si kuya Quiro nagsabi eh. Saka baka daw hindi maayos ng mga katulong ang pag-ihaw kapag sa kanila ko pa pinagawa kaya ako ang inutusan niya." May alinlangan itong ngiti sa mukha. Yung unggoy na yun talaga! Bakit niya ba pinahihirapan ang bebe ko? Kawawa na siyang tignan ngayon oh, pawisan saka may mansa pa ng uling ang kanang pisngi.Nilabas ko kaagad sa loob ng pouch bag ko ang wet tissue saka ko inilapit sa mukha ni kuya Matt na ikinabigla nito.
BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Teen FictionLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...