KRIS
Madilim na sa labas pero kahit ganun ay nakikita ko pa rin ang mga ilaw na sumasayaw sa di kalayuan. Rinig na rinig ko dito sa kinauupuan ko ang mga hiyawan ng mga tao at ng iba't ibang bata na kasing edad ko. Malungkot lang akong bumunotong-hininga saka umayos ng upo sa sofa at humarap sa tv.
Wala ngayon ang parents ko dahil----hindi ko alam. Sabi ni ate may inaasikaso daw sila sa work. Pero gabi na ah, may nagwo-work pa ba sa gabi? Hindi na naman bago sakin ang ganito eh. Lagi lang naman nila akong iniiwan dito sa bahay dahil nga may WORK daw sila. Kung hindi mga kasambahay ang kasama ko ang nakakatanda kong kapatid naman ang nandito, gaya na lang ngayon.
Malungkot kasi kahit sa murang edad ko pakiramdam ko nag-iisa nalang ako. Minsan lang umuwi sina mama at papa pero kung uuwi man sila puro trabaho pa rin ang inaasikaso nila. Hindi na sila nakikipaglaro sakin gaya ng dati. Hindi naman ako pweding lumabas sa bahay eh. Hindi nila ako pinapayagan.
Laging nagagalit si mama kapag sumusuway ako sa mga utos niya, lagi na lang niya akong na papalo sa pwet na ikina iyak ko. Minsan pinagtatanggol ako ni papa pero mas madalang pa nga siyang umuwi kaysa kay mama eh kaya minsan napapalo ako ng walang tumatanggol sakin, pwera nalang kung makaka-uwi si ate.
May nakakatanda akong kapatid. Naiingit nga ako sa kanya eh. Mas mahal siya nila mama. Lagi siyang pina-payagang lumabas, umalis ng ibang bansa, mag-aral sa mga magagandang school saka gawin ang mga gusto niya ng hindi na papalo sa pwet.
Pero kahit ganun, mahal ko pa rin si ate. Siya kasi ang tumatayong mama ko pag wala sina mama eh. Mabait, maganda, matalino. Walang ka pintas-pintas sa kanya, kaya siguro siya naging modelo. 15 pa lang si ate nung sinabi niya sakin na nakatanggap daw siya ng isang offer sa isang sikat na agency sa Los Angeles California. Tuwang-tuwa siya nun, yun daw kasi pangarap niya eh, ang maging isang sikat na modelo.
Akala ko magagalit sina mama pagnalaman nila ang tungkol sa pagmo-modelo ni ate sa ibang bansa, ayaw kasi ni mama na uma-alis kami pero----bakit ganun? Masaya sila nung nalaman nila ang balita ni ate at pinayagan kaagad nila na umalis ito at gawin ang gusto. Bakit ako? Gusto ko lang naman maglaro sa labas, mamasyal sa mga parke saka mag-aral sa magandang school, pero bakit hindi nila ako pinapayagan?
Lagi ko na lang nakikita ang mukha ni ate sa T.V saka sa mga magazine na inuuwi ng mga kasambahay. Mas na kikilala na siya sa buong mundo dahil sa taglay nitong galing sa pagmo-modelo. Masaya ako para sa kanya. Pagumu-uwi siya dito sa Pinas lagi na lang siyang may dalang mga laruan para sakin. Natutuwa naman ako pero may kaunting lungkot na nararamdam. Gusto ko rin kasing umalis dito sa bahay at pumunta sa ibang bansa. Gusto ko ring maranasan ang maging malaya dito gaya ni ate.
"I want to go out." Sabi ko bata sabay turo pa sa labas ng bintana. Nasa kabilang sofa siya ngayon habang nakatutok sa cellphone niya. Buti nga nakauwi siya sa araw ng birthda niya eh. Akala ko sa ibang bansa na naman siya magce-celebrate gaya ng ginagawa niya. Naghanda naman kami ng maliit na salo-salo kanina at kami lang din ang kumain kasi bawal naman kaming mag-imbita ng ibang tao dito.
BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Novela JuvenilLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...
