Chapter 6|| Way

198 6 0
                                    


KRIS


|Glioma Cancer| Stage 3.|


Nakatulala lang ako habang nakatingin sa resulta ng mga test ni Lav. Nang mabasa ko ang text ni Nick kanina dali-dali na agad akong umalis kahit hindi pa tapos sa pagma-makeup. Lahat ng test niya ay humahantong sa resultang Brain Cancer, from MRI to CT Scan. May tumor siya sa utak at matagal na pala ito sa kanya. Ngayon lang naglabasan ang mga symptoms dahil malala na. Mas lalo pa akong nang hina ng ma pagalaman na aggressive ang tumor na meron siya. Glioma Cancer ang tawag dito. Gusto kong magpagawa ng second opinion. Kahit third o fourth! Baka kasi nagkamali lang si Nick! Baka mali lang ang basa niya.


"Batla. Sasabihin mo na ba kay Che ang resulta ng test ni Lav?" Tanong ni Joene sakin. Nandito kami ngayon sa loob ng clinic ko. Malungkot rin siya ng makita ang test result ni Lav. Kagayo ko ayaw rin niyang maniwala. Bumuntong hininga ako sa tanong niya sa'ka sumagot.


"Mamaya siguro. Karapatan naman niya malaman ang sakit ng anak niya." Mahinang sabi ko pa.


"Pero batla think of of the brighter side! Ngayong alam na natin ang sakit ni Lav may magagawa na tayo para---para tulungan siya!" Mampalubag loob pa nito.


 Muli akong napabuga ng hangin sa sinabi niya. Alam namin pareho na walang gamot sa sakit nato. Lalo na't stage 3 na pala ito. Ang average survival time ay hanggang 12-18 months - 25% lang ng mga glioblastoma patients ang nakaka survive ng higit pa sa isang taon, at tanging 5% lang ng mga patiente ang nakaka survive ng higit pa sa limang taon. Napa kababa ng survival rate para sa sakit na to. Namayani ang katahimikan sa loob ng clinic. Gusto kong gumaling ang bata pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka ako nalang ang maghanap ng gamot sa sakit niya? Pwede kaya yun? Pero taon ang i-gugugol ko sa paghahanap ng gamot. Baka mahuli ako. Sabay kaming napatingin sa may pinto ng bumukas ito bigla at iniluwa si Apple.


"Excuse me doc, pinapatawag po kayong dalawa ni Doktora Joene sa conference room ngayon." Sabi ni Apple na ikinakunot ng noo ko. Anong meron? Napatingin naman ako kay Joene ng tumayo ito bigla.


"Ah! Kaya pala nandito si Chief. Nakitra ko kasi siya kanina naglalakad sa may childrens ward. Ano kaya meron at pinapatawag tayo?" Sabi pa niya. Ang Chief? Ang Chief o Chief Physician, Head Physician, Physician in Chief, Senior or Chief of Medicine kung tawagin ng iba ay ang namamahala sa iba pang mga propesyonal na grupo at mga lugar ng responsibilidad dito sa loob ng ospital. 


"Sige Apple salamat." Kinuha ko kaagad ang lab coat ko saka ito sinuot. 


Sabay na kaming lumabas ni Joene at nagtungo sa Conference Room pero kahit ganun hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sakit ni Lav. Paano ko sasabihin kay Che ang sakit ng anak niya? Sasabihin ko rin ba sa bata? Ito ang mahirap sa trabaho namin eh. Kailangan naming sabihin ang totoong lagay ng pasyente namin kahit masakit pa ito sa kanila. Sino ba namang sasaya kung sabihin sayo bigla ng doctor mo na may sakit ka at malubha na? Napatigil kami sa harap ng Conference Room at una nang pumasok si Joene ka sunod ako. Tumayo kaagad si Mr. Vero at ngumit samin ni Joene. Nasa early 50's na siya at siya rin ang Chief na tinutukoy namin kanina.


"Dra. Joene, Dra. Ocampo. Good your here already and, nice hair you have Doktora Ocampo" Naki pagkamayan pa ito samin. Ngumiti naman ako ng tinanggap ang kamay niya pero agad napawi yun ng makita ang kanyang kasama.

The Opposite OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon