KRIS
Mas naging masaya ang nagdaang linggo para sakin. May mga bagay na nakakagulat para sakin dahil ni minsan wala pa namang gumawa nun. Yung pakiramdam na ang laking halaga sayo ng isang tao? Yung taong naglalaan ng oras at attensyon sayo? Yung kahit gaano pa siya ka busy ni di lumipas ang araw na hindi ka niya na pupuntahan o na kakamusta?
Si Quiro yun.
Naalala ko pa kung paano na mula ang mukha ko nung minsan ay nagpunta ito sa ospital. Well, lagi na naman siyang nagpupunta dun pero iba nga lang ang pagkakataon na yun sa nangyari noon. Nasa may patients ward ako ng oras na yun dahil sa hourly rounds ko. Titignan kong kamusta ang lagay ng mga pasyente, kung buhay pa ba sila o naghihingalo na.
"Kumusta ka na nay? Hindi na ba sumasakit ulo mo?" Tanong ko sa matanda. Ngumiti naman kaagad ito sakin to the point na nawala na mga mata niya sa laki ng ngiting ibinigay. Bastos ba kung sasabihin kong hindi lang mata niya ang nawawala? Parang tatlo nalang ata ngipin nito eh. Ano bang pagkain kinakain niya? Gawa ba sa bato o semento?
"Okay na ko doc. Salamat sa mga gamot na binigay mo."
"Walang ano man po. Basta sa susunod huwag na po muna kayong magpa-stress lalo na po sa edad niyon yan. Dapat po nagpapalakas at nagpapahinga nalang kayo sa bahay niyo." Umismid naman kaagad ang matanda sa sinabi ko.
"Wala namang problema sakin kung maggagalaw ako sa bahay doc eh. Kaya ko pa nga pong mag-twerk kahit 68 years old nako. Ang nagbibigay stress lang naman sakin ay yung anak ko. Ewan ko ba kung saan pinaglihi yun at ang sakit sa ulo. Itago ba naman sungkod ko." Natawa nalang ang iba pang nakarinig sa kabilang higaan dahil sa sinabi nito. Pero agad na palitan ang mga tawanan kanina ng mga hiyawaan sa buong ward na ikina kunot ng noo ko.
Anong nangyari sa mga to? Kala ko ba may mga sakit kaya nandito? Pero kung makatili ang iba ha parang okay pa sa alright ang dating! Walang dinaramdam mga mars?
"Can I have a private check up with the most beautiful doctor here?" Napatigil kaagad ako sa mga pinag-iisip ko ng marinig ang boses na yun . Agad akong na palingon sa likuran at gulat na humarap sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa. Naka ngiti ito sakin habang nakatingin sa mga ata ko. Pormadong-pormado pa siya sa kulay grey na polo nito. Bumaba naman kaagad ang mga tingin ko sa hawak niya.
"I came to visit the woman I love." Agad na puno ng mga tilian at mga nakakabinging hiyawan ang buong ward dahil sa sinabi nito.
"Asawa mo doc? Ang gwapo ha! Bagay na bagay po kayo." Sabi pa ni nanay sa likuran ko. Nilingon ko naman ito saka naiilang na ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Fiksi RemajaLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...