KRIS
Nasa ospital ako ngayon habang binabasa ang mga panibagong case na naka assign sakin. Medyo busy rin ako sa nakaraang araw dahil sa mga medical reports at dahil na rin sa panganay na Logan. Oo, yung unggoy na si Quiro ang tinutukoy ko. Huli ko siyang naka usap at nakita nung nag barbeque party sa bahay nila. Simula nung mangyari ang engkwentro namin sa kwarto niya lalo na yung sinabi niya na naka pag pataas ng balahibo ko sa batok ay talagang iniwasan ko na siya. Hindi na ako pumupunta sa mansion nila, tumatanggi na rin ako for the very first time sa mga dinner na nagaganap sa bahay ng mga ito. Talagang sinisikap ko siyang iwasan gaya nalang sa nangyari kahapon.
Pinuntahan ako nito sa clinic ko. Buti nalang at may roaming ako ng oras na yun kaya hindi kami nagkita. Sinigurado ko pa talagang wala na siya sa loob ng clinic ko ng pumasok ako sa loob. May iniwan lang ito ng isang Ben and Jerry na ice cream sa lamesa ko at may naka dikit pang note dito.
'Hey. I just got back from New York. Rio wants me to buy some ice cream for him so I thought I'd bring you one too. Hope you like it though' - Q.L
Yun ang nakalagay sa note niya. May pa 'Q.L' pang nalalaman eh pwede namang 'Quiro' nalang o 'Chimpanzee at your service' ang ilagay. Well, sobrang sarap naman talaga nung dala niyang ice cream. Vanilla Toffee Bar Crunch ang flavor! Pero hindi ako magpapalinlang sa mga pa ice cream ice cream niya noh! Masarap lang pero hindi ibig sabihin nong magpapakita na ako sa kanya. Never!
Napatingin kaagad ako sa pinto ng makarinig ng tatlong katok saka ito bumukas. Halos mahulog ako sa kinauupuan ng makita kung sino. Nako naman! Kakasabi ko lang na never na akong mag papakita eh! Pahamak na ice cream flashback yun!
"Good thing I caught up with you today. You're always not here everytime I pay you a visit for the past days. Your assistant told me you're kinda busy with some paperworks." Sabi nito saka umupo sa isa sa mga upuan sa harapan ng lamesa ko. Anak ng tinapa! Anong sasabihin ko?!
"A-Ahh oo! May ginagawa akong papel ah este papeles." Naman! Kailangan talagang magkanda utal-utal?
Naka corporate attire ang gago habang comportableng nakaupo sa harapan ko. Luh, mas gwapo pala siyang tignan pag ganyan ang ayos niya? Hindi na siya mukhang unggoy, mukha nalang siyang paa. Chos! Di nga, bagay talaga sa kanya ang sout niya ngayon. Mas lalong nahuhubog ang katawan nito saka ang lakas ng dating. Tch.
"I came here to talk about what I've said last week." Sabi nito na ikina gulat ko.
Hala siya! Kaya ko nga siya iniiwasan nang ilang araw eh dahil ayaw ko siyang maka usap tungkol sa bagay nato! Ewan ko ba pero na a-awkwardan ako sa huling kita namin eh. Tungkol dun sa sinabi niya. Bakit ba kasi niya sinabi yun?! Hindi ko naman alam na may pagnanasa na pala sakin ang unggoy nato!
"A-Ahh dun ba? Wala yun! Kalimutan mo nalang. Ako nga hindi ko na naalala eh saka normal lang na makaramdam ka ng ganun dahil lalaki ka. Hehehe, okay lang talaga pramis!" Um-oo ka naman! Sige na! Pero imbes na gawin ang nasa utak ko ay kumunot lang ang noo nito saka napa buntong hininga.
"I know what you're thinking okay? You might think that I have some desire on you or any sexual fantasies but no. That's not what I meant when I said those words okay?"

BINABASA MO ANG
The Opposite Ones
Teen FictionLOGAN SIBLINGS #2: They said that we're all destined to meet that one person who is really opposite of who we are. That person who will make your world upside down with just one look. Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo. The Neurosurgeon who h...