KABANATA 3

1.9K 62 1
                                    

A/N: Ey mga Bebs! Long time no update! Mag o-one month na akong walang update ah... ramdam ba? 

Anyways... its either every Mondays or every Saturdays ang paguupdate ko and I hope na sa araw na yun ay hindi lang isang kabanata ang maiupdate ko.

To all readers, 

Attention! Marami pong inalis/tinangal at binago/pinalitan. lahat ng alam kong nakakakgulo at mga hindi naman konnectado sa istorya ay ni-REMOVE ko na. 

Masakit po sa mata nong binabasa ko sya simula umpisa hanggang dulo. Naloloka ako at naguguluhan ako.

Isa pa! Mas naging konti ang bilang ng kabanata. Hindi na po sya aabot ng FORTY. 

Ayun... Let's read na! ^_^   


KABANATA 3

MISAKI AKELDAMA

Pagkatapos ng training ay pumunta lang ako sa gubat. Dito ko kasi tinago yung kotse ko na nabili ko sa mortal world noong minsan na pinayagan kami ng school na gumala. Ako lang naman ang nakakaalam na sa parte ng gubat na ito at walang kaalam alam si Yuki na bumili ako ng kotse, bahay, lupa at iba pang mga kagamitan sa mundo ng mga mortal. Sumakay naman ako sa kotse ko at mabilis itong pinaandar papuntang portal kung saan sa labas ng portal gubat rin na daan patungong mundo ng mga tao.

Ilang minuto rin akong nagdra-drive hanggang sa makarating ako sa park na madalas kong pagtambayan kapag wala akong magawa. Bumaba naman ako at pinagmasdan ko lang ang mga batang naglalaro roon. Hapon na kasi kaya maraming bata ang naglalaro.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa may sumigaw na ice cream di kalayuan sa pwesto ko. Pinagmasdan ko lang ang mga batang nagsisitakbuhan kasama ang mga yaya nila o hindi kaya ay ang mga magulang nila. Napalingon naman ako sa likod ko nang may humatak sa damit ko. Isang cute na cute na bata na katulad ni Baozi ang pisngi. Hindi naman sya madungis dahil kung titignan ito ay malinis at parang alagang alaga. Pinantayan ko naman ang taas nya.

"What do you want kid?" malamig kong tanong sakanya. May kung ano syang nilabas sa bag nya at may isinulat sya roon. Madalas kong nakikita ang bagay na yon sa mga mall. Tablet ang tawag. Ipinakita naman nya sakin ang tablet nya na naglalaman ng gusto nyang sabihin sakin.

""Gusto ko po ng ice cream... pwede nyo po ba akong samahan?"" napatagilid nama ang ulo ko at tinignan ko ang ice cream vendor na papaalis na.

"Look kid... wala na yung ice cream vendor," paturo kong sabi sa kanya sa gawi ng ice cream vendor.

Tumayo na ako at maglalakad na sana nang maramdaman kong may humila ulit sa damit ko. tinignan ko naman sya at kita ko na malapit na itong umiyak. Walang sabi sabing binuhat ko sya papunta sa sasakyan ko.

Niyakap din nya ang leeg ko at hinilig sa balikat ko ang ulo nya. Napailing nalang ako. May paslit pa akong bitbit. Saan ko naman iiwan to kapag babalik na ako sa LA? %$#@! Sino ba ang nagaalaga dito at pinababayaan lang.

"Where do you want to eat ice cream?" wala naman kasi akong ibang alam na pagkainan ng ice cream bukod sa nagtitinda dito sa parke at sa pinakamalapit na mall dito. wala naman akong nakuhang sagot sakanya. Sa huli ay sa mall ko nalang sya dadalhin para makakain ng ice cream.

Isinakay ko sya sa backseat at si-nealtbetan habang ramdam na ramdam ko ang pagkakatitig nya sakin. Pinabayaan ko nalang sya at sumakay na sa driver seat tsaka ako nagdrive patungong pinakamalapit na mall.

THE IMMORTAL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon