KABANATA 17

1.2K 31 1
                                    

Thanks for reading guys!! Enjoy reading!

KABANATA 17

YUKIRA MAINE

Hay... napakabilis ng araw... pasukan na naman bukas. Parang hindi ko nga naramdaman ang anim na buwan naming bakasyon. At... anim na buwan na rin ang nakakalipas simula noong araw na nagpakita ang babaeng nagngangalang Miyasaki Ruiz Marquez na nagpakamalang kong si Misaki at hindi na muling nagpakita pa. Sobrang lungkot, galit at kung ano ano pang emosyon ang naramdaman ko nang itangi nyang hindi sya si Misaki eh kitang kita naman na sya si Misaki. Hindi ko matangap na ganoon na lang nya kadaling limutin kami lalong lalo na ako.

"Ang Baby Loves ko... ang lalim ng iniisip..." napangiti naman ako. Binack hug nya kasi ako at hinalikan yung pisngi ko. Isa loob ng anim na buwan ay magkasama kami ni Anthony at walang palya nya akong pinipilit maging masaya ang kaso lang ay kahit anong gawin ko ay nalulungkot parin ako.

"Sino na naman ba yang iniisip mo? hah? Nakakaselos kaya..." pilit akong ngumiti sakanya. Simula nung naging kami napaka possessive nang damuhong ito at ayaw na ayaw akong nalalapit sa ibang lalaki kahit pa kaibigan nya. Ang sakanya ay sakanya at alam ko yun.

"Wala naman akong iniisip na lalaki bukod sayo..." humigpit naman ang pagkakayakap nya sakin at sinigsik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Isinandal ko ang sarili ko sakanya at dinama ang init ng yakap nya. Ramdam kong ngumiti sya at humigpit ang pagkakayakap nya sakin pero hindi naman yung masasaktan ako kung hindi mararamdaman ko sa yakap nya ang pagmamahal.

"Ganoon ba... nagseselos kasi ako eh... akala ko may ibang lalaki nang nagpukaw ng pansin mo bukod sa kagwapuhang taglay ko," sabi nya sabay halik sa pagitan ng leeg at balikat ko. Hindi ko maiwasang mapaungol sa ginawa nya. Narinig ko naman syang natawa. Putik ka Anthony! Putik ka! Namula ako dahil sa hiyang nararamdaman ko tsaka ko sya hanampas ko sa braso nya.

"Pinagtatawanan mo ba ko?" umiling naman sya pero alam kong pinipigilan lang nyang tumawa. Putik ka talaga Anthony! Putik ka! Ang landi mo!

"OI LOVE BIRDS!!! TAMA NA YANG LANDIAN!!! MALAPIT NA TAYONG MAGTEST!!!" sigaw naman ni... sabay kaming lumingon ni Anthony sa pintuan nitong veranda at kitang kita ko kung pano malukot ang mukha ni Megan. Naparoll eyes nalang ako at binelatan sya. Napairap din sya sabay cross arms tapos walk out. Grabe na talaga ang babaeng yun. Napakabitter. Wala kasing love life kaya ganoon. At sa anim na buwan na nagdaan marami nang nagbago. Lalo na samin... sobrang daming nagbago.

"Ingit lang satin yun Baby loves..."

"Oo nga..." napahagigik kong sabi.

"Ano? Tara?" tumango naman ako at inilagay nya yung kamay nya sa bewang ko at sabay na kaming bumaba sa kwarto namin. Yup! Kwarto namin so its mean na bahay namin ang tinutuluyan namin ngayon since regalo to ng both parents namin. Advance wedding gift daw. Napapailing nalang ako... sabi ko naman na sainyo eh... marami nang nagbago sa loob ng anim na buwan. Nakilala narin namin ang parents ng isa't isa at appove na approve sila dahil magkaklase pala silang apat noong nagaaral sila sa paaralan sa bayan nila. Pagkababa namin nakita agad namin ang buong barkada na nakaupo sa sofa at nanonood o hindi kaya ay nakikipagkwentuhan lang.

"Anong ginagawa nyo dito?" bungad agad ni Anthony sakanila. Nagkibit balikat lang yung iba tapos yung iba sumagot ng walang kawenta kwentang sagot.

"Nakaupo..." – Lelluch.

"Kumakain..." – Tristan.

"Nakikipagusap?" sagot ni Terrence. Napabuntong hininga nalang ako.

"Eh ano nga ang ginagawa nyo dito?" tanong ko.

"May ibabalita lang kami! Kaya nandito kami." – Megan.

THE IMMORTAL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon