A/N: Andaming changes noh?
Which one is better?
Yung original or this one?
Edited? or Orig?
KABANATA 6
MISAKI AKELDAMA
Naningkit naman ang mata ko ng may narinig akong daing sa likod ng puno apat na puno mula sa pwesto ko ang layo. Mabilis akong nagtungo don and to found a woman lying on the ground half dead. The last time I saw a woman lying on the ground wounded... was two days ago. Lumapit ako sakanya and tama nga ang hinala ko na hindi sya taga dito.
"What is this human doing here?" mahinang tanong ko sa sarili ko. I scan her at marami syang natamong pasa, sugat at injury. Her sweet scent invades my nostril. Umiling naman ako at pinigilan ang sarili ko. Mas lumapit pa ako sakanya at hinawakan ang pulsohan nya.
"Pwede nang pagtiyagaan ng isang walang laman ang tiyan..." nakangising bulong ko. At sa isang saglit lamang ay walang inhabisyon kong kinain at sinalap ang kanyang laman lalong lalo na ang kanyang dugo.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang kainin ko yung babae. At sobra akong nagpapasalamat na kahit ganoon ay nawala ang matinding gutom ko lalo na ang pagkauhaw ko sa dugo. Hinihingal namang tumigil si Yuki kakasugod sakin at tinignan ko lang sya ng malamig.
"Tired?" maikli ngunit malamig kong tanong. Umiling naman sya at mabilis na sumugod sakin. If I evaluate her hits that she makes, I must say it's heavy for a normal student. Pwede na... mabilis ang mga pagkilos nya but I am way faster than her.
She is just a wolf.
Nang makita kong meron syang butas ay sinipa ko sya sa tiyan at tumalsik naman sya patungo sa pader nitong training room.
"Move faster..." wika ko at mabilis akong nakapunta sa harapan nya na syang ikinagulat nya. Hindi pa man sya nakakabawi ay binigyan ko sya ng isang suntok sa tiyan na ikinatulog nya.
"What a good fight..." napalingon naman ako sa pinangalingan ng boses. Si Loren kasama yung anim na lalaki. Tinignan ko naman si Anthony na nakatingin rin pala sakin.
"You! Carry her!" sigaw ko at naglakad na papalayo sakanila. Naramdaman ko namang may tatlong punyal na tatarak sa likod ko at ilang dangkal nalang ang layo sakin nito ng humarap ako at sinalo ito ng walang kahirap hirap hirap.
"Not so fast." Mahinang sabi ko. At sa isang iglap ay nasa harapan nya na ako. Mabilis ang naging pagkilos ko at sinipa ko sya sa mukha nya para tumalsik sya at malakas na tumama sa pader nitong training room.
"G-Good... you... improved so much..." utal utal nitong sabi. Tinignan ko lang sya ng malamig at inilipat ko naman ang tingin ko sa limang lalaki na nanlalaki ang mata sa gulat. Walang salisalita akong lumabas ng training room at nagpunta nalang sa dorm room ko upang makapaglinis ng katawan.
This is the day kung saan gaganapin ang mga palarong pinaghahandaan ng matagal. Nakahalumbaba lang ako sa kinauupuan ko dito sa harapan malapit sa stage ng gymnasium. Tumahimik ang buong gym nang umakyat na si Loren.
"Good morning students," bati nito.
"Hindi ko na papahabain pa. Today's event is Chrome Blood Event. Gaganapin ang nasabing event ng isang buwan. Hindi na ako magtataka dahil napakarami nyong lahat. Itetest ang skills and ability nyo. Wala kasi sakin ang mga kailangang itest sainyo tanging ang hari lang mismo ang nakakaalam at pati narin ang mga lobo na ipapadala nya para maging hurado at bantay kung sino man ang mandaya ay ang hari na mismo ang hahatol sakanya. At sa huli ng nasabing programa... tatanghalin ang pinakamalakas, pinakamagaling at pinaka karapatdapat sa gantimpala na mismo ang Dyosa't ang Alpha King ang maggagawad na sa pamamagitan ng isang karera... race," naghiyawan naman sila. Ako ayun... wala lang... nakahalumbaba parin.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL ✓
Werewolf[BOOK 1] Isang dalagang kakaiba sa marami.... Isang dalagang espesyal... Isang dalagang may isang katawan ngunit dalawa ang dugong nananalaytay... Dugo ng isang bampira... At... Dugo ng isang lobo... At tinawag siyang Hybrid. Maraming nilalang na hi...