KABANATA 22

1K 27 0
                                    

UPDATE!

Hello guys! Nandito ako para sabihin na pinalitan ko na po ang aking wattpad username dahil unang una ang pangit daw ng username ko na "@bloody_hyunjin" tunog jejemon at ang pangalawa ay parang serial killer daw ang dating. Diba grabe yung pinsan ko. So I just change it to "@ayessaphotphot" for some reason tunog jejemon parin but hindi na sya dating serial killer. Tunog jejemon, dating jejemon 😂 this is insane...

Sa pinsan kong 1 year old ko nakuha yung "photphot" kapag papakinggan ang cute pero yung idinuktong ko na sa pangalan ko... Aba naman! Jejemon na ang dating 😂 anyways... I just wanted to tell na I changed mu username. Yun lang talaga ang haba pa ng sinabi ko.

And thank you for reading and adding my story on your reading list. Thank you so much!

KABANATA 22

3RD PERSON

Sa loob ng walong buwan ay payapa lamang nakahiga ang katawan ni Tristan sa ilalim ng tubig. Mamaya maya ay lumutang ang katawan ni Tristan na nakahiga sa buhangin sa ilalim ng tubig hanggang siya'y nasa higaang kahoy na naksasuot ng puting damit na hanggang sakong ang haba't may mangas na hanggang pulsuhan ang haba.

Napapalibutan rin ng mga mababangong bulaklak ang paligid ng higaan. Sa itaas man o sa gilid ni Tristan. Nakalagay ang mga kamay ng binata sa ibabaw ng kanyang dibdib na magkapating at payapa ang mukha nito. Nagsisihuni rin ang mga ibon sa paligid malapit sa pwesto ni Tristan.

Naimulat ni Tristan ang kanyang mata ng maramdaman nya ang malakas na ihip ng sariwang hangin sa kanyang buong katawan ngunit naipikit din nya ito agad ng matamaan ng sikat ng araw ang kanyang mukha. Gamit ang kanyang kamay ay tinakpan nya ang kanyang mata at sa pagitan ng kanyang mga daliri, he sees the blue sky.

Bumangon sya sa kanyang pagkakakhiga and he sees green things everywhere. Nakakagaan sa pakiramdam ang nakikita nya at hinayaan nya ang sarili na tumayo at maramdaman ng mga paa nya ang berdeng damo. Sa sobrang gaan at tuwang nararamdaman nya ay nagtatalon, nagpagulonggulong sa damuhan at nagtampisaw sa batis. Hindi na nya matandaan pa kung kailan nya huling naramdaman ang pakiramdam na ito. Sobrang gaan na para bang wala syang pinoproblema.

"Tristan..." tawag ng isang tinig sa pangalan ni Tristan kaya't natigil sya sa paglalaro sa tubig. Napalingon sya sa isang gawi ng batis at nakita nya ang...

"Dyosa Hellfrina..." gulat na wika niya nang makita nya ang Dyosa sa kanyang harapan.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong nito kay Tristan na syang ipinagtaka ng binata.

'Diba'y iniilalim kita sa tubig upang pangalagaan ang iyong kaluluwa?' nagtatakang wika ni Hellfrina sa kanyang isipan.

THE IMMORTAL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon