KABANATA 16
3RD PERSON
Nagpatawag nang pagpupulong si Loren upang pagusapan ang plano na gagawin sa pagsugod sa kuta nang mga dumukot sa mga estudyante. Nakaupo at nanahimik lang si Misaki na inaantok sa pagpupulong na iyon. Nang matapos ang pulong ay agad na nagsialisan ang mga nilalang upang gawin ang dapat nilang gawin. Nagtataka naman sila Beatrix at Loren nang hindi pa umaalis si Misaki sa kanyang kinauupuan at pinagmamasadan ang kanilang kilos. Tumayo naman nang tuwid ang dalawa at tinignan din nila si Misaki.
"Bakit hi---" naputol ang sasabihin ni Loren nang may inilabas si Misaki na red button. Nangunot ang noo nilang dalawa at nagtatakang tumingin sa dalaga.
"What's that thing?" hindi nagsalita si Misaki bagkus ay pinindot nya lang ang red button at bigla nalang itong naglaho. Tumayo na si Misaki at nagsimula na syang maglakad papuntang pintuan habang ang dalawa naman ay sinusundan nila ng tingin ang bawat paghakbang ng dalaga na paplapit sa pinto. Agad namang tumigil sa paghakbang si Misaki nang nasa tapat na sya ng pintuan.
"The time is ticking... tik... tak... tik... tak..." malamig na sabi ng dalaga habang nakatalikod sa dalawa at tuluyan na itong umalis. Nangunot naman ang noo nila dahil hindi nila maintindihan yung sinabi ni Misaki sakanila. Nagkatinginan lang silang dalawa na may pagtatakang ekspresyon sa mga mukha nila.
Sa kabilang banda ay nakaupo lang ang siyam na estudyante sa malamig na sahig sa loob ng selda at nakatingin sa kawalan. Hindi na nila alam ang gagawin dahil may nabalitaan sila na may labing limang bomba ang sabay sabay na sasabog sa loob nang apa't na pung minuto. Hindi nila alam ang gagawin kaya't napatulala nalang sila.
"Ililigats pa kaya nila tayo?" nakatulalang tanong ni Megumi sakanila. Katatapos lamang nilang sumailalim sa matinding eksperimento kaya't may tama pa ng mga kung anong kemikal sa katawan nila.
Nagkatinginan nalang sila Yuki at Anthony at agad din naman sila nagiwas ng tingin sa isa't isa. Napabuntong hininga nalang ang iba at naghihintay nalang nang oras na sumabog yung bomba nang biglang umalingawngaw ang nakakabinging ingay galing sa sirena nang buong gusali. Napatakip nalang sila nang tenga nang sabay sabay sa nakakabinging tunog nito.
*SFX: WANG WANG WANG WANG WANG WANG WANG WANG WANG *
Agad silang lumabas nang makita nilang bumukas yung pintuan ng selda. Ang ibang mga bilanggo ay nagsisistakbuhan at nagtutulakan pa para lang makalabas sa silid na iyon. Ganon din ang ginawa ng siyam pero humiwalay sila sa mga ibang bilanggo nagmadaling pumunta sa likod ng gusaling iyon dahil kapag sa unahan pa sila pumunta ay maraming mga harang.
YUKIRA MAINE
Pagkalabas na pagkalabas naming siyam sa selda ay agad kaming humiwalay sa mga bilanggo at tinahak ang daan papunta sa likod ng gusaling ito. Kahit alam namin na delekado ito pero parang may tumatawag sa amin na pumunta dito. Hindi pa man din kami nakakalapit sa pintuan na limang metro lang ang layo sa amin ay may nakita akong pigura na nakasandal sa haligi ng pintuan. Napatigil naman ako at ganon din sila na parang nakita rin nila yung nakikita ko.
"Where have you been?" malamig at nakakatakot ang pagkakasabi nya... wait... pamilyar yung boses nya ah... (O_O) nanlalaki agad ang mata ko nang mabosesan ko kung sino yun.
"M-Misaki..." mabilis akong tumakbo papunta sakanya at sya naman ay tumayo ng tuwid at agad ko syang niyakap nang sobrang higpit.
"Misaki..." sabi ko nalang sa gitna nang pagiyak ko. Naramdaman ko rin ang mahihigpit na yakap nang mga kasama ko. Kumalas kami sa pagkakayakap sakanya at nasa likod na namin ang mga lalaki.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL ✓
Wilkołaki[BOOK 1] Isang dalagang kakaiba sa marami.... Isang dalagang espesyal... Isang dalagang may isang katawan ngunit dalawa ang dugong nananalaytay... Dugo ng isang bampira... At... Dugo ng isang lobo... At tinawag siyang Hybrid. Maraming nilalang na hi...