KABANATA 21

1K 29 1
                                    

KABANATA 21

3RD PERSON

Nagmamadaling tumakbo ang mga kaibigan ni Tristan nang malaman nila ang nangyari sa kaibigan.

"Tita! Tito! Kamusta na po si Hyung?" tanong ni Sebastian nang makapasok na sila sa loob ng dorm ni Tristan.

"Ayos lang sya... hindi parin lumalabas si Kelvin," sagot nito. napaupo nalamang ang mga kaibigan ni Tristan sa sofa't sahig. Maya-maya pa ay lumabas na sa loob ang Doctor na tumingin kahapon. Hindi pa man nagtatanong ang lahat ay inunahan na nya ang mga ito.

"He's fine, he needs to rest. I want to talk to you Mr. Itsumi..." tumango naman ang magasawa't nagpunta sa isa pang bakanteng room sa dorm ng anak. Hindi naman masabi ni Kelvin sa kaibigan na masama para sa asawa nya ang balita lalo pa't nagdadalang lobo ito.

"You can go inside, he's awake." Pagbibigay alam nito sa mga bata bago sumunod sa magasawa. Tumango naman sila't sumunod.

"Brunzhi, how's my son?" tanong ni Mr. Itsumi.

"Bro..." tumango naman si Mr. Itsmu sa tono palang ng pananalita ng kaibigan. Hinarap nya ang asawa na nakatingin lang sakanila.

"Hon... don ka muna sa mga bata... please?" pakiusap nito ngunit umiling lang ang asawa nya.

"Please, Hon? Just this once... please?" Napabuntong hininga naman si Trisha at tumango tsaka lumabas ng silid.

"Ano na Brunzhi? Bakit kailangan pang umalis ang asawa ko? Kapaka—"

"Lumalala sya, bro..." natigilan si Mr. Itsumi sa narinig.

"Ano?"

"Ikinalulungkot ko bro... pero mas lumalala ang lagay ng inaanak ko," marahas na napabuntong hininga ang lalaki.

"Diba ang sabi mo magiging maayos ang lagay ng anak ko kung madadivert ang isip nya sa mga bagay bagay?! What happened?!" bulyaw nito.

"Sorry bro..." napahilot na lamang ng sentido si Mr. Itsumi at marahas na Napabuntong hininga.

"May iba pa bang paraan para maiwasan to?"

"Wala na akong ibang maisip bro... sorry..."

"Kelvin Brunzhi, buhay ang nakataya dito?!"

"Alam ko Christian Gyro Itsumi!" sigaw nito sa buong pangalan ng kaibigan. Senyales na naiinis na rin ito.

"Ginagawa ko ang lahat para hindi na lumala ang sakit nya pero huli na tayo! Huli na nang mapansin natin to!"

"Ano bang sinasabi mo jan?!"

"Kapag umatake na naman ang sakit nya... buhay na nya ang kukunin bro... sorry bro pero he's longing for someone, rather be a girl named Misaki. Kinuwento nya sakin ang nangyari... he's broken Chris... sinisisi nya ang sarili nya dahil natorpe sya sa nararamdaman nya. Nagduwag sya... kaya ngayon he regret that he's not able to confess his feelings because she was gone," napatahimik sya't prinoproseso pa ang nalaman nya sa kaibigan.

"Sorry bro... kausapin mo ang inaanak ko. Magman to man talk kayong dalawa. Kausapin mo lang sya... he needs you... sige bro... may naiwan pa akong pasyente eh... mauna na ako," wika nito. hindi na lamang umimik si Chris at sumunod naring lumabas sa kwarto. Nakita pa nya ang asawa na nakikipagusap sa kaibigan na papaalis na.

"Just ask Chris about your son's condition, I have to go..." wika nito matapos halikan sa ulo ang kaibigan bago umalis. Naginit naman ang ulo ni Chris sa nakita.

THE IMMORTAL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon