KABANATA 14

1.2K 37 0
                                    

KABANATA 14

MISAKI AKELDAMA

Usap usapan parin ang nangyari kahapon. Yung biglaang pagkamatay ng mga rogue sa hindi malamang kadahilanan. Well... alam nyo na kung sino ang may pakana nun at walang iba kung hindi ako.

Oh well wag nyo nang tanungin kung paano baka hindi nyo masikmura.

Nandito lang ako sa bench ng training grounds at pinanonood ang walo na nageensayo. Hindi naman makaangal yung commander dahil babalian ko sya ng buto kapag umangal pa sya. Nasampolan ko kasi kanina. Nagaaway kami dahil ayaw ko ngang magensayo kaya ayun binalian ko ng buto. Napagalitan pa nga ako ni Yuki pero wala akong pake.

"N-noona?" napatingin naman ako kay Lelluch na hindi makatingin sakin ng maayos at limang hakbang siguro yung layo nya sakin. Anong problema nitong lalaking toh?

"Hmm?"

"C-can I talk to you?" kumunot naman ang noo ko.

"Nakikipagusap ka na..." sabi ko sakanya. Napakamot naman sya sa batok nya at lumapit sakin ng isang hakbang.

"May sakit ba ako at ang layo mo?" taas kilay na tanong ko sakanya. Napailing naman sya at umupo na sa tabi ko.

"Here..." may inabot naman sya sakin na box na maliit. Tinignan ko naman ito ng matagal bago ko ito kinuha.

"Bakit mo ko binibigyan ng ganito?"tanong ko sakanya. Ngumiti naman sya sakin at sinenyasan na buksan ko ito. Binuksan ko naman ito at isang bracelet ang nakapaloob doon. Napakaganda at detalyadong detalyado ang pagkakadisenyo. Sa bawat bilog ng bracelet ay nakaukit ang pangalan at symbolo ng kapangyaihan ko. Nilagay ko ulit ito sa lalagyan at ipinatong sa lap ko at tumingin sakanya.

"Nice..." sabi ko naman. Ngumiti lang sya at tumango. Bumalik ang tingin ko sa walo na ngayon ay pito nalang kasi wala yung isa... san nagpunta yun? Nagkibit balikat nalang ako. Ilang minuto rin sya nagstay sa tabi ko. Ramdam ko na kinakabahang sya at hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso nya. Bakit naman hindi nalang sya umalis?

"N-Noona..." tumingin naman ako sakanya na nakakunot ang noo. Huminga naman sya ng malalim at tinignan ako ng... umiwas agad ako ng tingin. Hinawakan naman nya yung kamay ko at lumuhod sa harapan ko gamit ang kanang tuhod nya.

"Lelluch what are you doing?!" he just smile to me and kissed my knuckles.

"Noona... alam kong ilang buwan palang tayong magkasama at hindi pa natin kilala ng lubos ang isa't isa... pero hindi ko alam kung kelan nagsimula tong nararamdaman ko pa—"

"Lelluch kung ano man yang nararamdaman mo sakin just fo—"

"No!!! Hinding hindi ko gagawin yun Misaki!!! Hindi ko naman pinipilit na mahalin mo ako pabalik... hayaa—"

"Lelluch Zhyn Huang! Listen to me! Kung ano man yang nararamdaman mo hindi para sakin yan! Mali yang nararamdaman mo! Naiintindihan mo ba?!" galit kong sigaw sakanya. Napayuko naman sya at humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Mali bang magmahal ulit?" nakatingin lang ako sakanya. Anong sabi nya? Nagulat ako ng may naramdaman akong basa sa kamay ko. Wait... Is he crying?

"Le—" naputol yung sasabihin ko ng iangat nya ang mukha nya at may tumutulong luha sa kanyang mata pinilit naman nyang ngumiti.

"Misaki... Noona... hindi mo man ako mahal pero hayaan mo akong mahalin kita," Napabuntong hininga naman ako. I didn't see that coming. I cupped his face at tinignan sya ng malamig sa mata.

THE IMMORTAL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon