A/N: So ayun mga Bebs... gusto ko lang bumawi sa isang buwan kong pagkakahimlay sa higaan ni Misaki. Charot!
Pagkakastuck ko sa THESIS ko. Bale dalawang buwan, mahigit dalawang buwan ko syang ginagawa.
#SENIORHIGHSCHOOLPAMORE
Ayun lang naman... so read carefully ha mga Bebs...
Lovelots! let's proceed?
KABANATA 4
MISAKI AKELDAMA
Isang buwan na ang nakakalipas simula noong nakausap ko ang matanda na yun sa gubat. Namangha ako sakanya ng slight... well, sabihin na nating namangha talaga ako sakanya sa kadahilanang walang sino man ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Lalong lalo na kung saan ako nangmula. Kahit pa na si Yuki... o kung sino man ang malapit sakin ay walang nakakaalam patungkol sa kung ano talaga ako. Hindi nya o nila alam na isa akong hybrid.
"Good morning Miss Misaki!" masayang bati nung isang student sakin habang iniipon ang mga tuyong dahon sa isang tabi. Tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. Sa nagdaang isang buwan ay marami na ang nangyari at next month is the big event for Lycothropians.
Nagiging close narin sila Yuki pati narin yung mga bungol. Araw araw ba namang magkasama. Well... kahit rin naman ako ay madalas ko silang kasama pero hindi sindalas ni Yuki. Madalas kong pinagmamasdan sa malayo si Baozi na Tristan Jayvee pala ang tunay na pangalan but I prefer calling him my Baozi at paminsan minsa'y pinagmamasdan ko rin sya ng palihim.
Pagkapasok ko sa loob ay maingay na't marami nang mga tao pero yung iba nasa labas pa dahil break time. Pagkaupo ko'y ubob lang ako sa desk ko dito sa likodan. Katulad ng isang normal na classroom ay hindi nawawala ang mga mayayabang, chizmosa at kung ano ano pa. Ang mas malala nga lang ay yung mga fan girls nilang madalas na pinagkakalat na idine-date namin ang isa sa anim na hottie boys o hindi kaya ay malalandi kami. Katulad nalang ngayon...
"Hala! Si Misaki!"
"Shhh~ wag kang maingay! Kita mong natutulog!"
"Hindi nya kasama ang mga prinsipe natin!"
"Tama ka jan!"
"May binabalak na naman siguro sya?"
"Well... napapansin kong madalas nyang titigan si Prince Terrence natin," napapasin pala nilang may tinititigan ako pero maling tao naman. Mga tanga ang p*t*!
"Weh! Hindi nga?!" Well... I just wanted to say na... maputulan sana kayo ng dila o hindi kaya ako na mismo ang gagawa para lang tumahimig kayo. Tanga na nga... madumi pa kung magisip.
"NOONA!!!! BILI TAYONG PAGKAIN!!!" Sigaw ni Lelluch Zyn. Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan ko sya ng masama. Nagpiece sign naman sya. Nagpatingin narin sa amin yung mga kaklase namin sabay tawa. Sino ba ang hindi matatawa? Dalawang buwan lang naman ang tanda nya sakin tapos tatawagin nya akong Noona. What the heck?! Same age nga lang kami kung tutuusin.
"Bili tayong pagkain... Libre ko," sabi nito. Si Lelluch Zhyn (Shin) ay isang time controller. Kaya nyang ihinto ang oras kahit kelan nya gusto. Na master na raw nya yun kaya hindi na sya nanghihina. At ang pinagaaralan naman nya ngayon kung paano makita ang nakaraan at ang hinaharap. Well... ayon lang naman kay Yukira.
BINABASA MO ANG
THE IMMORTAL ✓
Hombres Lobo[BOOK 1] Isang dalagang kakaiba sa marami.... Isang dalagang espesyal... Isang dalagang may isang katawan ngunit dalawa ang dugong nananalaytay... Dugo ng isang bampira... At... Dugo ng isang lobo... At tinawag siyang Hybrid. Maraming nilalang na hi...