KABANATA 20

1.1K 25 0
                                    

Thank for adding my story on your reading lists... I'm overwheled ! I can't contain my feels HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA thank you thank you so much for reading and adding this book on your list ^_^

KABANATA 20

3RD PERSON

Naalimpungatan ang Alpha King ng may narinig siyang ingay mula sa labas ng kanyang silid. Mabilis nyang isinuot ang kanyang roba't lumabas ng kanyang silid. Nilakad niya ang kahabaan ng hallway hanggang sa makababa siya sa ground floor dahil galing siya sa second floor. Naabutan nyang nagkakagulo ang mga tagapagsilbi. Nababanga narin sya ng mga ito at hindi man lang sya binibigyang pansin.

"BILIS!!! BILIS!!! MAGMADALI KAYO!!!" sigaw ng isang tagapagsilbi. Hinatak naman iyon ng Alpha King dahil padaan ito sa kanyang gilid.

"Anong nagyayari dito Dina?" gulat ang rumehistro sa mukha ng babaeng nagngangalang Dina.

"Ka-Kamahalan!" gulat na wika nito at bigla nalamang syang namutla na ipinagtaka ng Alpha King. Napatigil ang lahat sa kanilang pagkilos at gulat rin ang rumehistro sa mga mukha nila. Sabay sabay silang yumuko't humingi ng tawad.

"Anong nangyayari dito?" sasagot na sana ang babae ng may sumigaw di kalayuan sa kanilang puwesto.

"NASAN NA ANG MGA GAMIT NA PINAKUKUHA KO?!" napatingin ang Alpha King doon at nagtaka sya ng makita nya ang isa sa pinakamalakas na mandirigma ng Two Moons. Agad na nagsikilos ang mga tagapagsilbi't kumuha ng pinakukuha ng mandirigma. Lumapit naman ang Alpha King dito.

"Anong ginagawa mo dito Tim?" nagulat naman ang lalaking nangngangalang Tim. Napaharap sya sa Alpha King at nagbigay galang.

"K-Kamahalan?"

"Hindi mo na kailangang gawin yan... magkaibigan tayo..."

"Pe—"

"Heto na ang iyong pinakukuha," wika ng isang tagapagsilbi at inilapag sa sahig.

"Salamat," pagpapasalamat nito at kinuha na ang mga kagamitan at ginamot ang nilalang na ngayon ay walang malay na nakahiga sa sofa ng palasyo. Pinakatitigan itong mabuti ng Alpha King at napagtanto nya na iyon ang babaeng nag-enroll sa kanyang paaralan. Nakatali ang puti nitong buhok at nakasuot parin sya ng eyepatch. Kapansin pansin rin na may talsik sya ng ilang dugo sa muka't damit nitong suot. Napansin rin ng Alpha King ang mga tagapagsilbi na hindi parin nagsisialisan.

"Umalis na kayo dahil wala naman kayong maitutulong pa..." napayuko agad ang mga tagapagsilbi't nagsialisan na. Binalik ng Alpha King ang kanyang tingin sa sofa at pinanood na lamang panggagamot sa dalaga. Mga ilang minuto pa ang lumipas ng hindi na matiis ng Alpha King ay nagtanong na ito.

"Anong nangyari sakanya? Paano sya nakapunta sa palasyo kung gayon ay naasa akademya sya?" nagulat naman ang lalaki.

"Hindi ko alam Scan... bigla nalamang syang sumulpot na may kinakalabang tatlong dark creature... kilala mo ba ang batang ito?" wika't tanong nito. Tumango naman ang Alpha King.

"Isa sya sa mga estudyanteng nagaaral sa akademya," nagulat naman ang lalaki sa iwinika ng Alpha King.

"Seryoso ka Scan? Hindi ka nagbibiro?" umiling naman ang Alpha King bilang sagot.

"Kamahalan..." napalingon naman sya sa tumawag sakanya. Nagbigay galang ang tatlo.

"Gyro... Jay... Liam... Anong ginagawa nyo dito?" Takang tanong ng Alpha King sa kararating lang na tatlo.

"Pupunta sana kami sa Enchantrisque para humingi ng gamot sa mga nasugatang mandirigma dahil sa pageensayo ngunit natigil ang plano naming paglalakbay nang bigla nalang sumulpot ang batang iyan na nakikipaglaban sa tatlong dark creature..." paliwanag ng lalaking hindi katangkaran ngunit may pagka-babay face ang mukha. Mala-anghel kumbaga ngunit may pasademonyo kung lumaban.

THE IMMORTAL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon