Ch. 3: Your Worst Nightmare

727 18 0
                                    

Trevor's POV

" pare ,kalma ! Walang magagawa ang pagwawala mo!"

Saka palang ako bumalik sa sarili nang marinig ang boses ni Gavin. Nadurog ko na pala sa kamay ang can ng beer sa sobrang galit.

" wow ... I still can't believe it pare, how can a senior high student be a mistress of a man in 40s ?" Pailing- iling na sabi ni Cole.

Nasa bahay kami ni Gavin, may cottage sila na naging tambayan na ng tropa.

Halos pumutok ang ulo ko sa galit habang tiningnan muli sa cellphone ko ang picture mula sa litratong nasa cabinet ni dad. Kinuhaan ko yun upang makasigurong hindi makalimutan ang hitsura ng babae, at para na din makita nina Cole at Gavin.

" I will make sure that she'll pay for breaking my family apart " sa galit koy hindi ko namalayang sobrang yupi na ng can ss kamay ko kaya niaging matulis ito at nasugatan pa ako. Bwesit naman oh!

Ngunit hindi ko na iyon ininda, tanging nasa isip ko ay galit....

One year nang hiwalay ang pamilya ko, thanks to that bitch they are now processing their papers for divorce.

I thought ma fi-fix pa ang lahat but sumuko na si mom, and maybe now I understand why. She never felt that dad loved her. Parang may babae siya palagi, last year lumala ang away nila at malakas ang kutob kong dahil ito sa babaeng yun.

That crazy fucking bitch.

Napapikit uli ako sa galit. Damn!

" don't worry pare, tutulongan ka naming pahirapan si Leila Mendez" sabi ni Cole habang tinapik ako sa balikat.

" pare, wag muna tayong padalos dalos, baka mali lang iniisip natin. Let's investigate muna . " ani Gavin.

Bumuntong hininga ako. Naliwanagan ng konti.

He's right but I can't help it, every time na makita ko si Leila sa campus hindi ko mapigilang awayin siya, pahirapan, e bully o di kaya ipahiya sa tuwing naalala ko ang nakasulat sa likuran ng picture .

Arturo,

Always keep this photograph as a remembrance of our memories ..

Love,
Leila

****

Hinanap namin siya sa campus at natagpuan sa lilim ng isang kahoy na gumagawa ng project.

Nagkatinginan kaming tatlo at agad na nagtugma ng nasa isipan. Binilisan namin ang paglakad hanggang sa malapit na kami sa kanya. Agad na hinablot ni Cole ang bag niya at pinasa Kay Gavin , tumayo sa inis si Leila at akmang kukunin ang bag sa kanya. Agad namang pinasa ni Gavin ang bag sa akin. Tinitigan niya ako at nagkatitigan kami.

" ibalik mo ang bag ko!!! " utos niya.

Automatic akong napangisi. You wish!

" what?? I don't hear you!" Ang sarap lang panoorin ang namumula niyang mukha.

" wala naman akong ginagawa sa inyu ha! Ano bang kasalanan ko?" ayan, naiiyak na.

I know what I am doing is bad pero aaminin ko, nag eenjoy akong nahihirapan siya. Lalo na kapag namumula na siya sa inis.

" ibalik mo ang bag ko Trevor , bakit mo ba ginagawa to?" Pagsusumamo niya ngunit lalo lang akong ginaganahan sa pag-aasar.

" you want this? " itinaas ko ang bag niya at binuhos ang gamit sa paibaba kaya nagkalat na ang mga ito sa ground.

I let out a devilish smile at tinapon sa project niya ang bag. Naghigh five pa kami nina Cole at Gavin bago umalis . Nakatalikod na kami nang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko.

" ouch!' Agad akong napalingon sa kanya. The nerve!

Nakita ko ang mga nanlilisik niyang mga mata na anytime magta-transform into monster. Nabigla ako.

" fuck you TREVOR DIAZ! Sawang sawa na ako sa pambu-buwesit niyo sa kin!!! " sigaw niya habang tinatapon lahat ng libro niya sakin. Napapitlag ako.

I saw how messy she is , galit na galit siya na para bang binubuhos ang lahat ng galit ng mundo sakin.

Nagulat ako kasi first time na lumaban siya ng ganoon.

" diba ito gusto mo?? Sirain ang buhay ko? Oh ayan sirang sira na !!! Masaya ka ba ? Nasira na yung pinaghirapan kong project, pinag-ipunan ko yan, palibhasa puro pasarap lang sa buhay ang alam mo!" sigaw pa niya, hindi iniinda ang nangingi-usyusong mga studyante sa paligid.

Ang weird lang dahil tila tinubuan ako ng konsensya habang tinitingnan siyang nahihirapan at nagkaroon bigal ng point yung sinasabi niya.

" bakit? sa tingin mo masaya ako ?hindi lang ikaw ang mesirable ang buhay! Dont act like you're a victim coz you're not " pero pinili ko paring magmatigas.

" at ikaw? Ikaw yung biktima?? Ikaw ba yung nahihirapan habang pinapahiya?"
Ramdam ko ang bawat hampas ng mga kamay niya sa dibdib ko , lahat kami natulala sa ginawa niya. Hinawakan ko ang dalawang wrist niya para hindi na siya makapanakit.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak nito at inilapit ang mukha sa kaniya.

" you deserve this... " tiningnan ko siya sa mga mata.

I saw her pain, her struggles but I chose to unsee it.

Binitawan ko siya nang tuluyan na namang tumulo ang kanyang mga luha. Aalis na sana ako nang marinig uli siyang magsalita.

" wag mo ng uulitin to Trevor! Ito ng huling beses na iiyak ako!"

Nilingon ko siya uli, bahagyang nagulat na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin. Pero hindi ko na iyon pinansin pa.

" bakit?? Anong gagawin mo? Magsusumbong ka sa sugar daddy mo?" Bulong ko sa kanya and before I know it naglanding na sa pisngi ko ang mabigat niyang kamay. Napapikit ako sa sakit. It's my first time you know! Ang masampal. Tsk!

Nang natauhan ako mula sa gulat ay nakita ko na siyang pinupulot na  mga gamit habang patuloy pa rin ang pag iyak-iyak.

Nagpapa-awa lang yan. I told myself upang hindi makonsensya.

Don't be fooled, Trevor.

HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon