Ch. 34: Beyond The Mask

420 9 0
                                    

TREVOR

" pustahan tayo si Trevor nakauna diyan kay Mendez, hahha"

Umigting yung tenga ko sa narinig. Kakapasok ko lang sa classroom nila at eto pinagchichismisan siya ng mga mukhang manyakis na mukhang tambay sa kanto na mga kaklase niya.

"what babe?"

aba bastos talaga !

F@ck you!!

***Bogshh!

Bumaliktad ang silya nila sa lakas ng sipa ko. Tatadyakan ko nga sana kaso pinigilan ako ni Gav. Tss

Nakakainit kayo ng ulo mga sirang ulo!

Nakadrawing ang gulat at takot sa mga mukha nila.

O tameme kayo?!!

Papalag sana yung isa ngunit inunahan ko.

" isa pang salita sa basura niyong bibig , I swear babasagin ko talaga mga pagmumukha niyo"

Tangina niyo mga salot sa lipunan!.

Pinagdilatan ko sila ng mata. I'm sure nasindak ang mga bobo Kaya Kumaripas sila ng takbo.

Tsss..

" hooy , shows over!!! "
Sigaw ni Cole sa mga estudyanteng nakikiusyo. Sinaway niya pa yung isang nag video.

Nanginginig pa din ako sa galit, yung parang pag may titingnan akong studyante napapaurong sila. Parang anytime may susugurin ako.

Yung parang nagiging si incredible hulk ako pag nagagalit.

Ganito na talaga ako kahit noon, it feels like I have a different personality when I'm angry.

Yung parang warfreak , bipolar o gangster? tsskk

But I find it too destructive
at ayoko ng bad boy image. I was so competitive of being the best in everything na makakasira lang sa diskarte ko ang pagiging troublemaker.

So I learned to control myself.

I learned to conceal my true emotions by playing the nice guy.

Not really a nice guy who will please everyone but a nice guy who doesn't care about all the bullshits in life.

This makes me in control.

Pero lumalabas talaga ang pagiging ko basagulero ko. Ano daw basagulero? Mandirigma? Tss. Basta ..yun na yun.

Lalo na pag sinasaktan mga mahal ko sa buhay.

Gaya ngayon.

Tiningnan ko si Lily.

May nakikita akong takoy sa mukha niya.

"you okay?" napahilamos ako ng mukha gamit ang mga kamay ko.

Nilapitan ko siya.

Huminga siya ng malalim, na tila pinapakalma ang sarili.

"hindi mo kailangan gawin yun Trevor, paano kung lumaban sila " nag-aalala niyang sabi.

" aba.. takot lang ng mga yun samin, " mungkahi ni Cole na pinakitaan pa kami ng muscles niya.

Napatingin kaming pareho sa kanya. Clearly annoyed.

"syempre sila naman nanguna diba?.. uupakan ko pag mumukha ng mga yun"

Tss.. kala mo kung sinong matapang, mas matapang pa nga si Gavin diyan.

" ayokong may umaway sayo" I said it loudly para na din madinig ng iba .

"kaya ko na naman sarili ko eh, at ayaw ko ng gulo"

HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon