Trevor's POV
Tsk , ang mga loko loko nag sayawan pa talaga habang kumakanta ng walang ka-kwenta kwentang kanta. Arghhh. Nakairita!. Hindi ba nila naalala na si Lily ang nang-iwan? Bakit kung makaasta sila ako yung may kasalanan ?Arghhh
Napipikon na talaga ako kanina pa, I couldn't take this nonsense anymore. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila.
" Huy, dude . Saan ka pupunta? " sigaw ni Gav.
"Kukunin ko lang phone ko" malamig kong sagot. Tsss. Asa pa. saka na lang ako bababa kung kakain na.
---------
Third Person's POV
Tila na-guilty ang apat habang pinagmamasdan na umalis si Trevor. Si Lily naman ay nainis din sa kanila.
"Anna. pwede mo ba akong samahang kumuha ng tubig" tawag niya sa kaibigan . Tumango naman ito kaagad at sabay silang pumunta sa direksyon ng counter.
" Anna. " hindi pa man sila dumating doon ay huminto na si Lily, kaya napahinto din si Anna.
" Hm? " maang na sagot ni Anna.
" Bakit niyo ba to ginagawa? Alam niyo bang nakakahiya... " inis na sabi ni Lily.
" hmmmm. Gusto lang naman namin na magkalapit kayo uli ni Trevor, Lily. Obvious naman na inlove pa kayo sa isa't-isa"
Napalunok si Lily sa sagot ni Ana. Gusto sana niyang maniwala na ganun nga pero nakita nito ang reaction ni Trevor, na halatang hindi gusto ang kinikilos ng lahat.
" Please lang Ana, wag niyo ng ipilit ang mga bagay. nakita niyo naman na napipilitan lang siyang pakisamahan ako. Lalo akong nangliliit eh.. " pakiramdam niya bumigat yung dibdib niya habang binibigkas ang mga salitang iyon.
" Lily, sumusuko ka na ba? hindi mo na ba siya mahal? " Parang lumaki yung boses ni Anna.
Ang hindi nila alam ay nang insaktong timing din na yun ay napadaan si Trevor sa kanila. May pagitan nga lang na pader kaya hindi nila ito nakita.
" It was 5 years ago Anna, daming ng nagbago. "
" hindi yan yung tanong ko Lily, mahal mo pa ba siya? "
" Hindi! " but of course she lied. Gusto lang talaga niyang lubayan na sila. " Matagal na akong naka-moved on. Naka move on na nga din si Trevor eh... wag na natin siyang disturbohin, Wag na nating balikan ang isang nakaraang matagal ng binaon sa limot "
Napabuntong hininga si Trevor sa narinig. Deep inside him hoped na mahal pa din siya ni Lily...kaya kahit di man niya aminin sa sarili ay hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya. Hindi niya alam kung saan siya mas naiinis ,kay Lily o sa sarili niya. Pinilit niyang maglakad ng matulin at di na nakinig pa upang di na siya masaktan n.
" lokohin mo ang sarili mo Lily, hindi yan ang sinsabi ng mga mata mo! " inis na din si Anna kasu masyadong pabebe tong si Lily. Siya na nga tinutulungan siya pa tong ayaw.
Natigilan si Lily sa sinabi ng kaibigan, kungsabagay ay may point din ito. Deep inside masaya siya't kasama niya si Trevor pero di rin niya maitago ang sakit sa tuwing iniiwasan siya nito. Pakiramdam niya wala na talagang pakialam si Trevor sa kaniya.
Bumalik na ang dalawa sa pool , nandoon na din si Trevor. Syempre di nila alam na may portion sa conversation nila na narinig ni Trevor.
Bigla na lang yata naging awkward ang environment.
Mas lalo pang naging awkward nang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.
Inaamin ko nagkamali ako,
Inaamin ko nasaktan ang puso mo
Iniwan ka ng walang dahilan
Sumama sa iba hindi man lang
ako nagpaalam
Di man lang nagpaalam 🎵🎶Nagkatingingan silang lahat. Napa roll eyes nalang sina Trevor at Lily nang mahalata nilang nag sesenyasan sina Cole at Gav at after exchanging looks na para bang nag ko-communicate sa mga isipan nila.. finally dali daling pinatay ni Cole ang music.
" Sorry.. di ko alam na nasa playlist ko yun hihi" na-o-awkward na explanation niya.
Isang mahabang katahimikan na naman, tila kung anong malamig na hangin na dumaan.
" Ahmm. Lunch na tayo? " Biglang bigkas ni Gav kaya nag sitayuan ang lahat.
Sabay sabay na nag lakad ng by partner ang lahat papuntang restaurant ng resort, of course except kina Lily at Trevor na mga 2 meters apart.
After lunch ay nag rest muna sila sa kanya kanyang mga kwarto. Sina Cj at Gav in one room, sina Trevor at Cole tig-iisang room at sina Lily at Anna sa iisang room.
Nagpaalam muna si Anna para lumabas, hindi niya sinabi kay Lily na sa kwarto ni Cole siya pupunta. Pero matalino si Lily kaya alam na niya ito..Duhhh
Sa kwarto ni Cole ...
" o babe, kanina pa kita hinihintay ah" malaki ang ngisi nito na para bang excited sa iniisip.
Tinapunan naman siya ng matalim na titig ni Anna .
" huy! umayos ka Cole ha! hindi ako naparito dahil sa maduming iniisip mo!!!!! " inis na bulyaw ng dalaga.
Napakamot ng ulo si Cole at huminga ng malalim, akala pa naman niya makaka score na siya. Bigla tuloy siyang nadepressed...pati yung ano niya.Tsk.Tsk.
" ehhhh...kung ganun bakit ka naparito? " matamlay na tanong nito.
" Babe, tama ba tong gagawin natin? , kasi nahihirapan na yata yung dalawa eh" nag-aalalang sabi ni Cj habang umuupo sa kama.
Napalunok si Cole habang tinitingnan ang girlfriend sa kama, mamasa-basa pa ang buhok nito galing sa pagliligo, masyado na siyang naiinitan sa view kaya hindi na niya masyadong naiintindihan ang sinasabi ni Anna.
" huy!... ano itutuloy ba natin yung plano? " tila bumalik siya sa ulirat ng marinig ang malakas na boses ng dalaga.
" ha!!.. ah.. oo naman ,nandito na tayo. Wala na tong atrasan! " ba't pakiramdam niya ibang plano yung gusto niyang gawin ng walang atrasan?
" eh kasiii baka magalit sila satin babe"
Napailing siya, wala siyang pakialam magalit yung dalawa basta hindi lang yung ano niya... Grrrr.... Gigil na gigil na siya.
" alam mo babe! hindi magagalit ang dalawang yun! Pasalamat pa nga sila tinulungan natin sila! Pareho sila mataas ang pride! halata kaya na mahal pa nila ang isa't isa. Matatalino nga ang bobobo naman sa pag ibig! Tingnan natin kung di sila mag kakaaminan mamaya sa gagawin natin!!! "
Natulala si Anna sa sinabi ng boyfriend niya, medyo weird lang nga ang pagkakasabi nito kasi ang bilis ng bibig na parang may kabayong humahabol pero syempre cool pa din ito sa paningin niya.
Nginitian niya ito ng matamis.
" Huy! wag ka ngang ngingiti ng ganyan kung ayaw moooooong ----tsk. Di bali na nga umalis ka na kung wala ka namang sasabihin na! " inis na bulyaw ni Cole.
Nagulat naman si Ana kaya agad itong napatalon, naisip niyang ang weird weird ni Cole ngayon, nakakatakot ang mukha niya na nakakatawa sa sobrang pula. Baka sunburn siguro. Hindi niya mawari kung nagpipigil ba ito o natatae.
Time Check: 3 pm.
Time to finally execute the plan
- Pilyong mukha ni Cole habang iniisip ang masamang balak - 😀😀😀😀
BINABASA MO ANG
HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)
ChickLitTrevor Frederick Diaz. The Student Council President . The MVP of the basketball team. Ang lalaking almost perfect, na hanggang pangarap lamang ng mga kababaihan sa skwelahan dahil sa pagiging pihikan nito at distant sa mga babae, except a few. Ou...