Ch. 16: Begin Again

570 16 3
                                    

Leila/Lily

Maaga akong nagising kaya maaga akong naka prepare for school, tila nagkatotoo yung sinabi kong 'body clock '. I looked at myself in the mirror, mas okay na ang eyebags ko ngayon, di tulad nung nakaraang araw na pwede na lagyan ng kung ano-anong gamit. Kasalanan to ng gabing yun, nung gabi na hinalikan ako ni Trevor. FINE , it was not a kiss! pero it was my first. I mean...repeat.. it wasn't a kiss.

Pero bakit di matanggal sa isip ko na ...ang President ng student council , consistent top 1, most valuable player ng basketball team ng school ay kiniss ako. And it's not helping that after that incident he suddenly became a little too friendly to me, like ... asking me to ride with him and saying sorry..

I still can't believe it that he said sorry about all the stupid things he and his friends did to me. Pero isn't it a good thing?

No Leila... don't be fooled, sabi nga niya wag magtiwala Kahit na sa lalaking may gwapo na mukha.

Stop. I scold myself. Focus. Ano nalang Ang sasabihin ni Mr. Diaz pag nalaman niyang pinag-iisipan ko ng hindi magandang bagay Ang anak niya. Haaaayyy... natawa ako sa mismong kaweirduhan ko, maya-maya lang ay bumaba na ako upang tulungan si Manang Lucing sa kusina.

Pagdating ko sa kusina ay laking gulat ko nang abotan ko si Trevor na naka-topless at naka-apron at nakahawak ng panluto.

He flashed his white teeth when he saw me.

" Good morning Mendez " bati niya.

In my mind nakasagot na ako ng 'good morning too' pero tila na delayed gumalaw ng mga labi ko. Instead napako Ang tingin ko sa broad shoulders niya at messy hair.

" ahmm. ahh. Nasaan si Manang ? " nauutal kong tanong habang dahan dahang pumunta sa kabilang side from where he is standing.

" ahh si manang, day off niya today. May 2 days na day off si manang every month. To spend time with her family" sagot niya habang may ginigisa sa pan.

OMG! I started to panic inside thinking... Kami lang dalawa sa bahay?

" ahh.. tulongan na kita " sabi ko trying to sound as calm as possible.

" hey.. you don't need to. " Ngumiti siya habang kumukuha ng plato sa tray.
" I'm the one In charge here pag wala si manang, you just have to sit there and wait. At naka bihis kana , baka madumihan ka pa "

I was really shocked sa changed man na nakikita ko sa harapan ko ngayon, so different from the monster I knew last month. Or ...it's a trap Leila, it's a trap!

Sinunod ko ang sinabi niya. Well ...that's what I always do, napansin ko na every time sabihan niya ako to do something, tila voluntarily na nag mo-move ang katawan ko. There is something about his voice that is commanding and so mesmerizing? It's annoying me sometimes.

" breakfast is served " masayang sabi niya habang inilagay sa breakfast table ang lutong ham , sunny side up at fried rice.

" marunong ka palang magluto Diaz? " it's more of a statement than a question. Plus I copied his way of calling me by my last name.

Ngumiti siya. I know, ilang beses na siyang ngumiti ngayong umagang to , and it's refreshing every time he flashes that perfect sparkling set of teeth.

" gaya-gaya Mendez? "

Tumawa ako na nahihiya dahil totoong ginaya ko siya.

" you're laughing " he said amused. Almost implying that it's closed to impossible to see me laugh.

" bakit? bawal bang tumawa pag kumakain? " seryoso kong tanong

at siya naman tong humalakhak sa katatawa.

" you're funny " sabi niya nang makarecover sa pagtawa.

I smiled , heartily. Maybe he's not that bad as I thought.

" Let's start again as friends " he continued.
" I'm Trevor Diaz " iniabot niya ang kamay niya sakin.

Tiningnan ko siya na tila hindi na gets yung ginagawa niya.

" Hindi maganda yung pagkakakilala mo sakin diba!? Why don't we start again ? "

Lumiwanag ang mukha ko na saka palang siya naintindihan. Tinanggap ko ang kamay niya and I felt something warm the moment our hands touched.

" I'm Leila Alexa Mendez " sagot ko.

At bumitaw na ako sa handshake namin.

" so... Bakit Lily Ang tawag nila sa yo? like ni dad, ni Joseph ? " tanong niya

" ahhmmm. it's a long story kung bakit Lily Ang tawag sakin"

" then make it short " utos niya.

" parehas Kami ng pangalan ng mama ko, to avoid confusion ginawa nalang nilang Lily yung palayaw ko " natatawa kong sabi habang iniisip Ang history ng pangalan ko.

Tumango lamang siya as if interested sa kwento ko.

" hala late na tayo " Bigla kong napansin ang relo .

" fuck ! " he exclaimed at dali daling tumayo habang tinanggal Ang apron.

I swear I was not looking but yeah.. I saw abs.

" ahmmm. mag prepare ka na , ako na bahala dito " sabi ko na dahan dahang nililigpit Ang mga pinagkainan namin. Dahan dahan coz who knows magkano tong Plato nila.

Hinintay ko siya sa living room nang matapos na akong magligpit sa kusina. Ilang sandali ay dumating na siya na naka freshen up na.

" alam kong gwapo ako kaya tama na ang pagtitig Lily, "

Hindi ko maiwasan ang pagtawa ng binigyan niya ng emphasis Ang 'Lily ' .

" wag mo akong tawaging Lily, Diaz. We're not that close " I joked.

" talaga? mas gusto mo last name basis tayo? " he playfully smiled watching my reaction.

Fine. I couldn't look straight to his eyes . It makes my lips automatically curve into smile.

" Tara na nga ...Diaz"

Hindi Kami na-late. Pakiramdam ko nga konting oras lang binyahe namin compared the last time. Doon pa din niya ako hininto sa usual place at naglakad lang ako patungo sa campus.

" good morning sunshine " bati ni Carl nang nasa loob na ako ng classroom.

" hey, good morning din" mabilis kong sagot.

" okay ka lang ba kagabi? Nag-alala ako kasi tinurn-down mo yung offer ko na ihatid ka..eh ..anong oras na yun. " sabi pa niya na umupo sa tabi ko.

I felt uncomfortable, it was not his seat from the very first place at parang sinasadya niyang magkalapit ang mga mukha namin.

" nakauwi naman ako ng safe kagabi. Hindi mo naman ako responsibilidad. Nakakahiya naman sayo " sagot ko.

" I felt responsible for you Leila, ako ang nag recommend sayo to work during night shift. remember? "

" alam ko. ayaw ko lang na maabala ka pa Carl. " I was closed to getting annoyed. I know he's just concern for me but it felt awkward at the same time.

Why is everyone starting to get friendly to me? Si Trevor, si Cj...and now him? Im glad na nirecommend niya ako but i dont like the fact na ini-insist niya ako to do something im not comfortable with, like ihatid sa bahay namin. Huh namin talaga . Pinigilan ko ang sarili na tumawa sa ginamit na salita ko. Baliw !

Mabuti nalang at dumating na ang teacher namin kaya bumalik na siya sa dating upuan niya.

HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon