Ch. 5: What Could Go Right ?

700 22 1
                                    

Malas na nga sa school, malas pa sa trabaho. Nakakaumay na ang kamalasang nangyayari sa buhay ko.

Si Trevor, siya ang may dala ng lahat ng kamalasang ito! Ughhhh.

Napabuntong hininga nalang ako habang inaayos ang mga gamit ko sa locker. Nag lay-off ang employer ko ng mga empleyado dahil nalulugi na daw sila kaya yung mga working student yung tinanggal nila. haysssst!.

Habang nilalagay ko ang mga gamit sa bag ay napansin ko ang calling card ni Mr. Diaz.

Naalala ko bigla ang sinabi niya kagabi na pwede ko siyang tawagan anytime kung kailangan ko ng tulong.

Napailing ako.

Hindi.

Nakakahiyang humingi ng tulong ng taong kakakilala ko palang.

Nagulat nalang ako nang tumunog nang cellphone ko. Si Tessy, Ang boardmate ko ang tumawag kaya agad ko ng sinagot.

" hello Lily !!! Pumunta ka dito sa boarding house dali! " halata ko sa boses niya ang pag aalala kaya bigla akong naalarma.

Pumara ako ng jeep at umuwi agad sa boarding house.

Pag dating ko palang sa eskena ng kalye ay kinabahan na ako dahil sa dami ng tao na nakapaligid . Agad akong tumakbo para makita kung ano ang kaguluhang nagaganap hanggang sa tumambad sa akin ang boarding house namin na kalahati nalang Ang natira.

Halos malugmok ako sa kinatatayauan ko dahil nandoon Ang lahat ng mga gamit ko at gamit sa eskwela.

" sorry Lily, ito lang yung nasalba kong gamit mo... " sabi ni Tessy habang iniabot sa akin ang isang malaking bag.

Nakahinga ako ng malalim.

Ito nalang ang mga natitirang gamit ni mama. Mabuti nalang din at ito ang nakuha ni Tessy kasi ito nalang ang tanging natitira niyang ala-ala.

Sa sobrang nangyaring kamalasan nitong nakaraan ay di na tumulo pa ulit ang aking mga luha na tilay pagod na sa kaiiyak.

Napabuntong hininga nalang ako habang nag-iisip.

Saan nalang ako pupunta ngayon?

Natulala ako sa kawalan habang tuluyan ng nawawalan ng pag-asa sa buhay hanggang sa....

Dali-dali kong kinuha yung calling card sa bag.

Tinitigan ko iyon na para bang may hiwagang nakapaskil doon.

Hindi ito ang panahon up ang mahiya.

Wala akong choice.

Kailangan kong mag survive.

Napapikit ako habang nilalagay sa dibdib ang pirasong papel na yun. Pinapanalangin na sana tama ang desisyon ko at tigilan na sana ako ng kamalasang dala ni Trevor Diaz.

Hanggang ngayon naniniwala akong siya ang malas sa buhay ko.

Ang nakilala siya ay isang malaking MALAS!

Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa card, tumunog iyon ng ilang beses bago may tumugon.

Unang sumagot sa akin ay boses babae, sekretarya niya pala. Noong sinabi ko ang pangalan ko at si Mr. Diaz ang sadya ko ay finorward naman niya ako rito.

Nagkausap kami ni Mr. Diaz at gaya nga ng sinabi niya.... handa siyang tumulong sakin.

Syempre nakahinga ako ng malalim. Sa laki ng problema ko ay may tao pa ding handang tumulong ngunit bakit hindi pa din ako mapakale.

HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon