Ch.1 : Trevor Frederick

1.3K 28 4
                                    

" hey watch out! " Sigaw ko nang muntikan nang matamaan ng bola yung napadaang babae, mabuti nalang at nakailag siya ngunit malas pa din at sa pag ilag niya ay nadapa siya.

" you okay? " tanong ko habang inabot ang kamay sa kanya.

Agad naman niya itong tinanggap at inalalayan ko siyang tumayo. Kulot ang buhok niya kaya natabunan ng bahagya ang may kaliitan niyang mukha.

Inis pa niyang pinaspasan ang sarili sa mga alikabok mula sa pagkakadapa.

" I'm sorry " sabi ko habang chinicheck kung may galos ba siya sa siko at tuhod.

" okay lang , di talaga maiwasan ang aksidente " mahina niyang sabi.

I lifted my head to meet her eyes.

Why does she looks familiar?

Tinitigan ko siyang mabuti.

Light brown at kulot yung buhok niya, matangos ang ilong, malaki at masigla ang mga mata, mapula ang kanyang mga labi at matamis ngunit may bahid ng pagkapahiya ang kanyang ngiti.

Wait... Saan ko ba nakita ang babaeng to?.

" ahmmm. Alis na ako" awkward niyang sabi nang napansin na natulala ako.

Sinundan ko siya habang papalayo at nakita pa ang paglingon niya sa kinaroroonan ko. Napaangat na din ako ng labi nang makitang bumitaw siya ng natural na matamis niyang ngiti bago tuluyan ng umalis.

" HOY!!! Trevor!! Bat natutulala ka diyan ?" Napatalon ako nang maramdaman ang bigat ng braso ni Gavin sa balikat ko.

Ngumisi ako upang makabawi sa pagkagulat.

" she looks familiar pare " sagot ko at kinuha ang bola sa ground.

" weehhh? Yung familiar na parang nagtagpo na kayo sa mga panaginip niyo?" naningkit ang kanyang mga mata at naglabas ng mapang-asar na ngisi.

Tinawanan ko lamang siya. Anong pinagsasabi nito? Tsk.

" hindi . basta, parang nakita ko na siya dati " seryosong sagot ko habang sinusuyud ng lahat ng bahagi sa memorya ko.

Saan ko nga ba siya nakita? Bakit pamilyar na pamilyar ang kanyang mukha?

Bigla nalang nag flash sa utak ko yung huling ngiti niya sakin.

" eh syempre pare ,batch natin siya. " napabalik ako sa aking ulirat ng marinig ang tawa niya.

Nagkibit balikat nalang ako. Baka nga masyado lang ordinaryo ang mukha niya kaya pamilyar.

Ibinigay ko kay Gavin ang bola na parang walang narinig at dumeretso sa bench kung saan nandoon ang ilang gamit ko.

" type mo pare?" Batid parin sa ngiti ni Gavin ang pangangantyaw habang nakasunod sakin. He's obviously enjoying the moment, sobrang mapang-asar talaga 'tong isang to.

Napailing ako habang nakaangat ang labi.

Imposible!

Bigla nalang uli nag flash tung huling sandali na nagpang-abot ang aming mga mata.

Well, she's kind of mysterious and she got that sweet smile.

Hindi ko na namalayan na tuluyan na pala akong napangiti.

" wooooww. Pare hindi ako makapaniwala!! Ang isang katulad niya lang pala makakabihag sa puso nitong pare natin " bulalas niya nang makarating kami sa bench habang inakbayan si Cole na kanina pa busy sa paglalaro sa phone.

" really? Who's the lucky chic then?" Curious nitong tanong at binaling ang attention Kay Gavin.

May nginuso si Gavin. Lahat kami napatingin doon.

Nasa kabilang bench lang pala siya malayo sa amin. She's alone and looks so serious while reading her book.

" whhhatt? That girl? Are you sure man ?"
Nakakunot ang noo ni Cole.

" look, she's pretty and all...but man, she's too cheap for your like. I don't mean to offend you but you know bro, that girl is baduy..look. Di kayo bagay.. " straight niyang sabi.

I look at her once again.

Yeah, tama si Cole, hindi nga siya classy, naka jumper siya at yung sapatos niya tila gutay gutay na. Yung bag niya faded na, at yung libro niya tila pinamana pa mula sa mga ninuno niya. She's nothing like the ordinary girls ng campus na usually naka dress at sneakers ng mga branded shoes. Balot ng makeup at rebonded or permed hair. She's nothing like them

but maybe that is what makes her different and yeah, too simple to notice.

" eh paano siya nakapasok sa university natin kung di siya mayaman ?" Nakakunot noo na tanong ni Gavin.

" hmmmm. I think scholar siya.. O di kaya may sponsor. Mukha naman siyang matalino ". Sagot ko habang nakatingin pa din sa babae.

" sponsor ? Yung Parang may sugar daddy ??" Natatawang sabi ni Cole.

Kung di ko lang kaibigan tong si Cole sinapak ko na to. Nakitawa nalang din ako sa joke niya.

" well... Meron namang sponsor ng mga kamag anak ,o politician, o businessmen ganun " paliwanag ko, tinatago ang pagkairita.

"sa family namin meron din kaming scholars. Malay mo, isa sya dun"

" siguro , hindi natin alam " he sighed in surrender.

I smiled cockily, nobody wins over me even in just a simple conversation. Sinulyapan ko ang babaeng yun. scholar kaya siya ni dad?...

Dad..

scholarship..

sugar daddy...

Lahat ng yun nag ramble sa isipan ko...

Right!

I remember it now!

She's that girl!

Bigla nalang sumakit ang ulo ko at natulala habang nakatingin ng deretso sa direction niya.

The image of that girl in the picture flashes clearly in my mind.

Hindi ako maaaring magkamali.

She's the girl in the picture , Isn't she?

I remember that old picture inside dad's cabinet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I remember that old picture inside dad's cabinet. Yung lagi niyang tinitingnan kapag malungkot siya, o di kaya pag wala siyang ginagawa. I tried to remember the details, but I'm pretty sure , that girl looks like her. Mas lalo ko pang inigihan Ang pagtitig sa kanya.

Last year ko pa kasi last nakita ang picture kaya di ko maalala ang kabuuan nito, pero base sa pagkakaalala ko, the girl in the photo looks gorgeous, classy , bubbly. Not like this girl, maganda pero parang malungkot.

Damn!

I need to see that picture again.

_____________________________________________

Please tell me what you think. :)

Please vote on your favorite chapter or leave a comment . 😀









HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon