Ch. 49: A Second Chance?

416 17 2
                                    

Lily's POV

Videoke!!!! Yeeyy. Always been my favorite of all time. Sa may pool area pa din kami. Nag set up yung mga guys ng malaking TV sa gilid ng pool, sa may lounge.

 Nag set up yung mga guys ng malaking TV sa gilid ng pool, sa may lounge

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yung pwesto namin ay si
Trevor, Gav, CJ, Cole Anna and me. Mas mabuti narin at malayo si Trevor para di rin ako masyadong ma conscious. Tsk.

Busy ng pumili sina Cole at Anna ng kanta, tsk..while they're singing,  ako naman yung pumili, then iniabot ko yun kina Gav pero di raw sila kakanta. Napatingin ako kay Trevor ,mukhang interested yung mukha niya kaya inabot ko sa kanya yung songbook. Napalunok nalang ako ng tanggapin niya ito. Gosshhhhh... baliw na ba ako? Yun lang ginawa niya pero kinilig na ako.. sheeeezzz. Nakakainis talaga!!!

Destiny yung kinakanta nila. With feelings pa talaga, kung sabagay maganda naman pareho yung boses nila.

Nakailang tapos na sila ng kanta nang biglang...

Next Song : Rewrite The Stars

Shit! SA LAHAT PA TALAGA!!!????? Nananadya talaga ang mga to eh!

" hala. e next na yan.  Sino ba kasi nag press niyan " natatawang sabi ni Gavin .

Pressed next

Next Song: Muling Ibalik Ang Tamis ng Pag-Ibig!

Wahhhhhh!!! Bwesit! bwesit bwesit!!!. Ang sarap sipain sa mukha ng mga to! Insensitive ang mga leche! Hindi ba nila alam na nahihirapan na akong huminga kanina pa?... Masyado na kasi akong napapahiya eh. 

Kasi ang totoo.. Mataas ang expectation ko.
Na sa araw na to magiging ok kami, I mean hindi naman magkakabalikan pero at least kahit civil diba? but hindi. Pakiramdam lalo lang lumayo yung loob niya sakin. Halata naman na pag tinutukso kami umiiwas siya, laging irap, ismid ,ngiwi yung nakikita kong expression sa mukha niya. He's obviously annoyed and pissed. Siguro tinitiis niya lang but I could see na hindi na siya natutuwa sa ginagawa ng mga barkada niya.

Pakiramdam ko tuloy , naiinis siya sakin...nandidiri, nababagot. Pakiramdam ko nakailang beses na niya akong nireject a araw na to.  Nakakaasar lang kasi .. kasi ako... ini-expect ko na kinikilig din siya gaya ko. Na bibigay din siya at kakausapin ako. Magkaroon man lang ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa pang-iwan ko sa kanya pero ang hirap niyang pasukin...masyadong mataas ang depensa niya ...

Hindi ko na alam kung ano ano pa kinakanta nila. At hindi ko na din alam kung ilang vodka na nainom ko. Halos tatlong oras ng nagkakantahan at nag iinuman pero hyper pa din sila.

Hindi naman ako sanay uminom kaya medyo tipsy na din ako. Alas syete pa pewo medyo umiikot na paningin ko but I'm still conscious ano.

" Sige shooooot! " sigaw ni Gav na obviously ay natanggal na lahat ng hiya sa katawan.

Doon na din sinerve yung dinner kaya after dinner balik na naman sa kantahan at inuman. In fairness nawala yung lungkot ko. Totoo palang pansamantalang nakakalimot ang alak. Pero totoo din kaya na pag may alak may balak? Hek hek... Sana nga may balak ako... Tss... pero wala. hanggang tingin lang sa supladong si Trevor Diaz.

HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon