Ch. 53: Not Today

388 13 0
                                    

Lily's POV

Nagulat ang lahat nang dumating si Trevor sa memorial service. Nakita kong nabuhayan ng ngiti si Manang Lucing nang makita ang alaga. Ganun din si Gav at Cj.

Pati si Keila nagulat din ng magkasama kaming dumating ni Trev,  ngunit agad ding nag focus kay Trevor yung atensyon niya. Since then hindi na niya hiniwalayan si Trevor. Masaya naman ako at kahit papano ay maalaga at thoughtful si Keila. Nakikita ko naman na labis labis ang suporta niya kay Trev kaya okay na ako doon.

That day came..

Ang araw na kailangan ng magpaalam kay tito Art.
Same cemetery pala sila ni mama. Ang weird. pangmayaman pala yung nakuhang insurance niya. O insurance nga ba? kasi nung nagkaproblema ako para sa panglibing niya ay bigla nalang may lumapit sakin na nagpresentang siya na ang bahala sa lahat ng gastos at arrangements.



Nang araw na yun ... si Trevor ang inalala ng lahat. Sila nalang mag-ama ang magkasama sa buhay ngayon siya nalang mag-isa. Paano ba niya kakayanin ang lahat ng responsibilidad sa buhay at sa multi-million na kompanya nila?

" Trevor.. I know you can get through this" sabi ko habang niyakap siya upang makapagpaalam.

Tumango lamang siya sa akin. Walang expresyon ang mukha.

Napabuntong hininga nalang ako ..

That was the last time we saw each other.

After ng libing ay bumalik sa New York si Trevor. He was so devastated with what happened kaya nag indefinite leave siya... yung uncle nalang muna ang namahala sa kompanya.

________________****

Trevor's POV

It's been what? Six months?

Six months akong nagstay sa New York. Pinuntahan ko si Mom. Nagpatulong ako sa kanya upang maibsan ang kahit ano mang kalungkotan na naramdaman ko sa ng panahong iyon.

I was not completely healed I guess. The pain of losing someone...is one of the most excruciating pain a human could ever feel.

Andito ako ngayon sa puntod niya.

Sa puntod ni dad.

Nakakamiss si dad ko. I miss that he calls me Freddy, I miss that he was so annoying, I miss how bossy and lenient he is to me. Marami pa sana akong gusto ipaturo sa kanya... pero wala na siya. Mahirap man tanggapin ... pero wala na rin naman akong magagawa. All I could do is to accept what happened and moved on.

Dad.. if you hear me... I want you to know that you have been the best father.. I still remember what you said to me...

I will not live my life in regrets dad...

Napatingin ako sa  asul na kalangitan. And I send there my prayers.

Aalis na sana ako nang nakita kong may babae sa kabilang puntod.

She was standing there holding a bouquet of roses na inibaba sa may puntod.

Her hair is flowing in the direction of the wind.

Napalunok ako nang lumingon siya sa direksyon ko.

Tila nag slow motion ang oras.

Lily?

Bakas sa mukha niya ang gulat nang magtama ang mga mata namin.

We both walked to meet each other.

" Hi.. you're back? " she smiled.

I admit.. nahawa ako sa ngiti niya.

" oo. ngayon lang. Ikaw? I mean.. dinalaw mo ang mama mo? "

Tumango siya.

" anniversary " sagot niya.

Dahan dahan kaming naglakad at umupo sa may bench.

Pareho kaming napatingin sa kawalan..

Tadhana nga naman.

Nagkalayo. Nagkatagpo. Muling nagkalayo..

Muli kayang ipinagtagpo?

" Sa tingin mo... magkasama na kaya sila ngayon? "

Nagulat ako sa tanong niya. Saka ko lang na realized  ang ibig niya sabihin. I let out a sad smile.

" Probably.

they love each other that much" I answered.

Tiningnan niya ako.

Napatitig lang ako sa kanya. Yung mukha niyang ubod ng ganda, that raw yet ethereal beauty.

" ang unfair ng love sa kanila" patuloy pa niya.

Tama siya. Hindi happy ending ang story nilang dalawa kahit gaano man nila ka mahal ang isa't isa

ngunit hindi pa din sila pagdating sa dulo.

Pero may dahilan naman ang lahat diba?

" Tama ka. Kaya siguro kaya nangyari ang lahat ng 'yon ay para satin. Malamang kung nagkatuluyan sila... wala tayo" Nakangiti kong sabi.

Mabuti naman at natawa  siya sa sinabi ko.

" same pa din ba apartment mo?hatid na kita" I said while standing.

" ha? " medyo nagulat siya na ewan. " ahhhh kasi .. ahmmm. " I waited for her to say more kasi medyo nag-aalangan siya na nahihiya.

" kasi.. may... may dala akong car"

Wow  ...

" wow! sayo na yan ? "

" uo. "

Wow. proud ako para sa kanya. Ang galing. Kung sabagay, napaka hard working niyang babae. Whatever she has right now. I'm sure she deserves it.

" ahmmm. una na ako " sabi niya and smiled awkwardly.

" yeah..  see you around "

Sinundan ko na lamang siya ng tingin patungo sa sasakyan niya.

While I was staring at her fading away... naalala ko bigla yung kinanta ni dad.. 

Lights will guide you home

Sino nga ba si Lily sa buhay ko?

Is she the light? or the home?

Isa ba siyang liwanag na dumating sa buhay ko upang magbigay ng  aral ?

O siya ang tahangang patutunguhan?

HOMECOMING: Coming Home 💕 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon