Chapter 10

32.3K 336 28
                                        


Note: Guys wag kayong maguluhan. Itong POV ni V ay yung nangyari nung gabing di umuwi si Guideon kay Camille. Balik tayo sa presen time line sa POV ni Camille.

VERONICA

It's 1:15 am and I still can't sleep. I don't know what has gotten into me. Guideon was already sleeping soundly. Nakadapa siya at tanging kumot lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan niya. Hindi ko maiwasang hagurin ng tingin ang malapad niyang likod.

I stood up with nothing and went straight to my walk in closet to get my silk robe. Mukhang kahit anong gawin ko ay hindi na ako makakatulog, mabuti pang magpahangin na muna ako sa veranda and maybe have a few drinks.

Pinulupot ko ang mga braso ko sa aking sarili nang madampian ako ng malamig na hangin. Nagulo na rin ang buhok ko dahil hinangin din ito pero hinayaan k nalang. Ang nipis lang ng suot kong robe kaya gininaw ako kaagad. Liningon ko ang table sa tabi ko at nakitang nandon pa rin ang bote at baso ng scotch na iniinom ni Guideon kanina. Nagsalin ako ng kaunti at malayong tumingin sa night lights ng Makati.

I am happy. Because he's here with me. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ganito? Gaano katagal pa akong magtitiis? I never really got the assurance that I wanted. Kahit minsan ay hindi ko narinig mula sa kanya na mahal niya ako. Natatakot din akong magsabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. I know him so well, kapag ginawa ko 'yon malamang ay hahanap na siya ng iba.

Naramdaman ko ang mainit na brasong pumulipot sa baywang ko. I sighed. Mukhang nagising siya. Nilingon ko siya at siya naman ay nakatanaw rin sa city lights.

"Bakit ka nagising? Matulog ka pa." Sumandal ako sa kanya at tahimik na in-appreciate ang moment na 'yon.

"Wala ka kasi sa tabi ko eh. Akala ko umalis ka." Mahina at marahan niyang utas.

"Hindi ako makatulog eh. I decided to have some drinks." Itinaas ko pa baso at nilingon siya.

Kumunot ang noo niya bago sumagot.

"Hindi ka sanay ng hard drinks, that's enough." Kinuha niya ang baso sa akin at pinatong sa lamesa.

Ngumiti ako ng kaunti, natatandaan niya na palang hindi ako sanay sa mga ganong klase ng alak. Puro cocktail drinks lang madalas ang iniinom ko.

"Is anything wrong?" Pinulupot niya nang muli ang kanyang mga braso sa akin.

"Nothing. I was just thinking about my product launch. Kaunting panahon nalang ang natitira but I still haven't done some designs yet." I lied. Although medyo totoo na namomroblema din ako sa launching ng collection ko, hindi naman 'yon ang iniisip at pinoproblema ko.

"Are you sure?" Rinig ko sa tono ng boses niya na nag aalala naman siya.

"Yeah.." nanahimik ulit ako.

"I got and idea. Get dressed sweety." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at saka bumitiw. Nang lingunin ko siya ay papasok na siya sa walk in closet ko. May mga damit siya dito sa unit ko kaya hindi na ako nagtaka.

Pumasok ako sa banyo at inayos ang sarili, pagkalabas ko ay naka puting tshirt na siya at khaki shorts. Nagtaka ako. Ano kayang balak niya sa ganitong oras? Mabilis akong nagbihis at sinundan lamang siya pababa ng building. I wore a simple orange tube dress, ito na ang pinaka simpleng maisusuot ko. I'm a fashion designer, everything has to be extra.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon