Veronica
Pinagbuksan ako ni Guideon ng pinto ng sasakyan at walang gana naman akong lumabas doon. Tahimik lang ako dahil natatakot akong hindi ako na baka hindi magawang magsinungaling kapag tinanong niya ako kung anong problema. Pinindot ko ang 'up' button ng elevator at hapong hapong hinintay ang pag bukas no'n. Tumabi sa akin si Guideon at tila nagwala nanaman ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko. Bumukas na ang elevator at sabay kaming pumasok.
"Are you okay, sweety? You've been really quiet lately." Hinarap niya ako sa kanya at inipit sa tenga ko ang mga ligaw na buhok.
Hindi ko pa rin magawang harapin siya ng mata sa mata. Natatakot ako.
"I just...don't feel good." Tipid kong sagot.
Pinisil niya lang naman ang kamay ko at tumingala para tingnan kung nasaang floor na kami. Ilang saglit pa ay bumukas rin ang elevator sa 32nd floor. Kinuha niya ang bag ko sa akin at siya na ang naghanap ng susi. Hinayaan ko na siya, hindi niya normal na ginagawa 'to pero hindi ko na kayang makipag talo.
Siya na ang nag bukas ng pinto. Inalalayan niya ako papasok hanggang sa makaupo ako sa couch. Umalis siya para magpunta sa kitchen at pag balik niya ay may dala na siyang isang basong tubig. See? How can I let go of this wonderful man?
"Drink this. Baka na over fatigue ka." Mahinang sabi niya.
Inisang lagok ko naman ang tubig at sumandal sa couch.
"Thank you." Tipid kong sagot at nginitian siya.
Ngumiti siya pabalik at hinaplos ang hita ko.
"Magpahinga ka ah. Bukas na ang launch mo. I'll be there to cheer you up." Pinatong ko ang kamay ko sa mga kamay niya at hindi na nagsalita pa.
Siya na ang nagluto ng dinner namin at saglit pa siyang umalis para bumili ng Strawberry Cream Frappe. Natuwa ako but that's not enough to lighten up my mood. Sa tuwing naiisip kong ano mang oras ay pwede niya akong iwan at ang magiging baby namin ay sumasakit na kaagad ang dibdib ko.
Matapos naming mag dinner ay nagpaalam na siya sa akin. Gustong gusto ko nang aminin. Hindi ko na kayang magsinungaling.
"Guideon?" Pigil ko nang palabas na sana siya ng pinto.
"Hmm?" Nagtaas siya ng kilay.
Sunod sunod na ang pag kalabog ng puso ko. Ito na. Sasabihin ko na. Nag ipon ako ng lakas ng loob ngunit nang bubuksan ko na ang bibig ko ay walang salitang lumabas doon.
"Nothing. I just wanna tell you that I am always here for you. Sige na mag ingat ka ha." Nag babadya nanamang tumulo ang luha ko pero pinigil ko sa abot ng makakaya ko.
Malungkot akong ngumiti sa kanya.
"And I, You." Tipid siyang ngumiti at sinara na ng tuluyan ang pinto.
Nang makalabas na siya ng pinto ay parang naging jell-o ang mga tuhod ko. I collapsed on the couch and started crying my stupid heart out. I know. What I dis was so wrong. Pero hindi ko kayang bumitaw dahil mahal na mahal ko siya! Tawagin niyo akong masamang tao, but come to think of it, walang taong hindi pa nakakagawa ng kasalanan sa buong buhay niya. Nagkataon lang na mas katanggap tanggap ang mga kasalanan nila kesa sa akin. But at the end of the day, pare pareho lang tayong lahat.
I can't bear to let my child live like this. Ayokong lumaki siya na kinukutya siyang anak sa labas. Ayokong malaman niyang isang kabit ang ina niya.
Naisip kong ipalaglag ang bata. The child was only four weeks old, but I can't. I can't kill my own child. Oo at kasalanan sa diyos ang pagkaka buo niya. Pero hinding hindi ko na dadagdagan ang kasalanang 'yon. I won't kill my precious baby.
BINABASA MO ANG
The Second Woman
Ficción GeneralHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?