Epilogue

53.3K 806 78
                                    

GUIDEON

"Hallie! Stop running baka madapa ka!" Saway ni Veronica sa anak naming kakasundo lamang sa school.

"Sweetie, pabayaan mo na si Hallie. Na excite lang 'yan dahil hindi na umuulan sa labas." Ani ko kay Veronica.

Hallie is already in pre-school. Nakakatuwang makita na ang paslit na binubuhat buhat ko noon ay saksakan na ng likot ngayon. Aba'y hindi na mapakali sa isang sulok eh. She always loved being outside, kaya nga malaki ang garden ng binili kong bahay para malaya silang makapag takbuhan at makapag laro ng kapatid niya.

"Kaya nag-kukulit 'yang anak mo eh lagi mong kinakampihan." Naiiling na sabi niya ngunit may kaunting ngiti sa labi.

Lumapit ako para mayakap siya mula sa likod. "Dinadaan mo nanaman ako sa pa yakap yakap Guideon ha." Natatawang sabi niya.

"Hayaan mo na kasi ang mga bata, V. Ito nalang ang bonding namin dahil palagi akong wala." Sabi ko.

Ganoon pa rin naman ang trabaho ko. I was always busy managing the chain of restaurants of my Family. Noon kasing mamatay si Dad, sa akin niya iniwan ang lahat. Hindi naman pe pwedeng hindi ako pumasok sa trabaho kahit gusto kong nandito nalang ako sa bahay.

"Oh siya, bantayan mo si Samuel at magluluto ako ng meryenda." Humarap siya sa akon at hinalikan ang pisngi ko. Pagkatapos ay kumalas at pumasok na sa bahay.

Motherhood suits Veronica well, I didn't expect that she would handle being a mother like this. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ng mga bata, minsan kapag nag dedesisyon siya ay hindi na para sa kanya iyon kundi para na kina Hallie at Samuel.

"Sam-sam, son. Come here." Marahang tawag ko sa anak kong abala sa paglalaro ng kanyang toy cars.

Samuel looked exactly like me when I was a kid. Kuhang kuha sa akin ang lahat at wala atang namana kay Veronica kundi ang kayumangging balat niya. But who knows, nag iiba pa naman daw ang features ng bata kapag lumaki na.

"Daddy... pway!" Bulol na sabi niya. Tumawa ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Alright kiddo, come on. Bring your toy cars." Tawag ko sa kanya.

Pinulot niya isa isa ang mga laruan niya at unti unting nag lakad papalapit sa akin. Umupo ako sa damuhan upang mag lebel kami. Napaka bait na bata ni Samuel, hindi ito bugnutin at iyakin. Madalas ngang mas gusto niya na siya mismo ang nakakagawa ng mga bagay bagay. Ang hiling ko lang ay huwag siyang tumulad sa akin. Laking pasasalamay ko naman dahil nandiyan ang Mommy nila upang disiplinahin sila.

"Daddy! Habulin mo ako!" Sigaw ni Hallie sa kabilang parte ng garden.

"Later, anak. Come here! Play with us." Tawag ko sa kanya.

Tumakbo naman papalapit si Hallie at nakita kong pawis na pawis siya. Nako, papagalitan nanaman kami ni Mommy niyan.

"Anak, mag punas ka ng pawis. Magagalit si Mommy." Pilyong untag ko sa bata at humagikgik naman siya pero sinunod ang utos ko.

These kids are my life. Siguro kung mauulit ang buhay ko, wala akong babaguhin. Oo, pipiliin kong magkamali ulit kung ito naman ang kapalit. Pero dahil imposible iyon, wala akong magagawa kundi humiling ng mga sana. Sana naghintay pa ako. Sana hindi ako nagpakasal sa iba kahit na para sa negosyo. Sana mas nauna kong nakilala si Veronica. Sana hindi ako naging gago.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon