VERONICA
El Guero's is still burning to the grounds when I got there. I didn't know how I managed to driver after knowing what happened. Iniwan ko si Hallie kay Daddy at agad akong umalis.
Abot langit na ang apoy at mas lalo pang dumilim ang mga ulap kahit gabi na. Matingkad na kahel at dilaw na apoy ang bumababalot sa buong restaurant. Nakakapanghinang isipin na maaaring kasabay na nasusunog ng haligi nito si Guideon.
Punong puno ng mga tao ang paligid ng restaurant. Mayroong mga usisero, paramedics, napaka raming bumbero at media sa di kalayuan. They were still trying to extinguish the fire.
Nakita ko ang ilang paranedics na may bitbit na mga taong walang malay. Ang iba ay nasa stretcher, mayroon ding mga taong nag sisisigaw sa sakit dahil sunog ang buong katawan. Nilibot ko sa paligid ang paningin ko pero wala akong Guideon na nakita.
Lumapit ako hanggang sa nasa harapan na ako ng barricade tape ng mga pulis. Hinarang ako ng pulis doon.
"Ma'am hindi po pwedeng lumapit. Active crime scene po ito." Ang sabi sa akin ng isang pulis doon.
"N-no! You don't understand. I know the owner." Halos pabulong nang sagot ko. Ni hindi ko matingnan ng mata sa mata ang pulis. Nakatitig ako sa maliwanag at mainit na apoy.
"Ginagawa mo ng mga bumbero lahat ng makakaya nila, Ma'am. Mabuti pa ho, tumabi muna kayo at kumalma." Bahagya akong tinulak ng pulis.
"H-hindi pwede! Nakita na ba siya ha? Baka nandon pa siya sa loob eh. Nasa office 'yun! Let me in! Please!" Pakiusap ko sa pulis.
"Hindi talaga pwede ma'am. Baka ho pati kayo ay madamay." Medyo naiirita na sa akin ang pulis at nakikita ko na iyon sa expression niya.
"Officer, please! Just let me in! May anak kami! Diyos ko, hahanapin ko siya! Hindi siya pwedeng mawala!" Humagulgul ako habang nagpupumilit na ipasok ang sarili ko sa Barricade tape doon.
Dalawang pulis pa ang lumapit at pinag hahawakan ako para pakalmahin. Patuloy ang pakikipag usap nila sa akin na kumalma ako pero hindi ko sila maintindihan.
Ngayon palang nagsisimula ang pangaral namin para sa anak namin. Ngayon lang kami napag bigyan ng pagkakataon eh! Bakit? Bakit ito nangyayari?
Is this my karma? Hindi sapat ang buhay ko kaya buhay ng mahal ko ang kinuha? Akala ko bayad na ako sa kasalanan ko nang muntikan na kong mamatay dahil sa panganganak. Pero bakit si Guideon? Paano na ang anak ko?
"Ma'am kumalma ho muna kayo! Please naman! Huwag na ho kayong dumagdag." Naiinis na sabi ng isang pulis na humahawak sa akin.
"Anong kumalma? Bakit? Wala ba kayong pamilya? Kung kamag-anak niyo ang nasa loob niyan makaka kalmaba kayo ha?" Hinihingal na bulyaw ko dito.
"Sige na po miss, maupo muna kayo. I guarantee you that we're doing everything we can." Sabi pa ng isa.
Hindi nila ako naiintindihan! Guideon might be burning in there! Tapos ay gusto nila akong kumalma.
"Officers let her go. I know her." Sabi ng isang boses ng lalaki.
Tiningala ko siya at nakita kong si Xander iyon, ang best friend ni Guideon. Naka pambahay lang ito at namumutla din.
BINABASA MO ANG
The Second Woman
Ficção GeralHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?
