Chapter 42

31.6K 479 25
                                        

Your wish is my command loves. Thank you all for being so patient. Hit the heart and leave a comment so I'll know that you're still there. I'll also update The Things I Hate About You so go check it out later. Hugs and kisses.

VERONICA

Not much has changed since the last time that I'm in Manila. It is still the same toxic place. Traffic, pollution, poverty. Smiles, children, families. I looked at them, they seemed to be happy in their lives.

A few years ago, napaka saya ko kapag nasa Manila ako. I can see my friends, have fun and goof around with boys. Pero ngayon, ibang iba na. Ibang iba na ang prinsipyo ko. All I'm thinking is my daughter. I don't want her to get caught in all of this mess.

"Ma'am, saan ho tayo?" Tiningnan ako ni Mang Isko mula sa rearview mirror ng sasakyan.

"Sa condo ko nalang muna." Sagot ko.

Mahimbing na natutulog si Shelly habang karga ko. Iritable kasi ang bata at ang gusto ay lagi kong karga.

Tumunog ang cellphone ko at pangalan ni Scarlette ang naka rehistro doon. Agad ko iyong sinagot.

"Hello?"

"V! Nasaan ka na? Kailan ka namin pwedeng makita! Excited na kaming makita ang inaanak namin!" She exclaimed. Nag text kasi ako sa kanya kanina na pabalik ako ng Manila.

"Pag papahingahin ko lang muna si Shelly. But please just visit us at home." Pakiusap ko. Ayokong lumabas dahil paranoid ako na baka pinasundan ako ni Guideon.

"Sige. Just text me the address ha? I'll se you soon. Bye." Pinutol na ni Scarlette ang Linya.

Nakarating kami sa building at agad akong umakyat upang maihiga na ng maayos ang aking anak. The unit was all set. I asked my good friend, Serefina Villacorte, an interior designer to fix everything for me. Matagal ko na itong naplano, just in case I have to go back in Manila. And here I am now! Great right?

Sumalampak ako sa aking napaka laki at napaka kumportableng kama. Tanghaling tapat at hindi pa pala ako kumakain. Mabuti nalang at tulog ang bata.

Narinig ko ang doorbell at agad kong dinaluhan ang pinto. Kapatid ni Elna ang dumating, upang mag alaga kay Shelly.

"Hello Ma'am V! Kamusta gid ang biyahe niyo?" Tanong niya sa isang Ilonggo accent. Pinapasok ko siya at dumiretso kami sa sala.

"Maayos naman, ate Tessie. Natutulog si Shelly. Pwedeng paki bantayan nalang muna? Mag go grocery kasi ako." Pakiusap ko.

"Ay sige po ma'am ako na pong bahala kay Shelly. Mamaya na po tayo mag kwentuhan dahil mat tsismis nanaman sa akin si Elna." Pabirong sabi niya.

Minsan na ding natira sa amin si ate Tessie, magaling din siya sa gawaing bahay. Kaya lang, lumipat din ng Maynila ang pamilya niya dahil mas maganda daw ang buhay dito.

"Sige ate. Salamat. Mag papahinga muna ako ha. Ikaw na munang bahala dito."

Plano ko sanang humiga saglit pero napagod ata ang katawan ko sa sobrang haba ng byahe kaya't nakatulog ako at mag tatakip silim na ng magising ako.

Naririnig ko na ang Peppa Pig mula sa living room. Mukhang gising na ang bulinggit.

"Napasarap po ata ang tulog niyo." Nginitian ako ni Ate Tessie.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon