Chapter 34

32K 468 50
                                    

A/n: Sorry! Hindi nasave ng wattpad iyong last part so I have to unpublish! Basahin niyo nalang po ulit. Tatanggalin ko din yung edited sa title. Nilagyan ko kang to inform those who have already finished reading. Thank you for waiting!

Guideon

Kung nasaan man si Veronica ngayon, well napaka galing niyang magtago. Halos baliktarin ko na buong Pilipinas makita lang siya pero wala. Hindi ko talaga siya mahagilap.

Ang mga credit cards niya, hindi nagagamit. Wala ding record ng withdrawal sa mga bank accounts niya. Mukha nga talagang ayaw niyang magpahanap. Bago siya nawala ay nag withdraw siya ng malaking halaga sa bangko. Sa tingin ko, sapat na iyon para mabuhay siya ng ilang taon.

Kakatapos ko lang kausapin si Harris. Binigay ko sa kanya ang detalye kung saan huling nakita si Veronica. Sa airport. She got in on a flight going to Iloilo. Ang sabi sakin ni Harris ay babalikan niya ako kapag nakakuha na siya ng impormasyon.

Kumuha ako ng ilang lata ng beer sa fridge, wala nang laman iyon. Hindi katulad dati, hindi hinahayaan ni Veronica na mawalan ng lamab ang fridge ko. Nakakapanibago. Sumalampak ako sa sofa at niluwagan ang neck tie ko pagkatapos ay ini relax ko na ang ulo sa headrest.

I can't function well, I just need to find her. I really do. We have a lot to talk about. Bago sakin ang lahat ng ito. I never really believed in love and all those cheesy stuff. Pero kagaya nga ng sinabi sakin ni Alexander, kapag naramdaman mo na, naramdaman mo na. Wala ka nang magagawa. And that's exactly what I'm feeling right now. I feel so fvckin' hopeless.

Binuksan ko ang isang lata ng beer at lumagok. Kumunot ang noo ko nang dumapo ang paningin ko sa gilid ng pinto. Naroon pa rin ang maliit na papel na ilang linggo ko nang napapansin. Simula kasi ng magkagulo kami ni Veronica, hindi na naasikaso itong unit ko. Siya kasi palagi ang nag aayos dito. And now that she's gone, this place feels empty.

Sa pag aakalang resibo lang iyon o kung ano pa man ay hindi ko pinapansin iyon. But this time I got really curious. Pinulot ko an papel na sa tingin ko ay picture pala. Nang baliktarin ko ay parang nanghina ako sa kinatatayuan ko.

It was a sonogram. Sa baba ay may pangalan ni Veronica. There's a little round thing that's in the middle of the picture. It's shaped like a walnut. Bumalik ako ss kinauupuan ko at tinitigan ang larawan. This is my baby. Paano ko nagawang itanggi siya?

I should have been with her when she go to the hospital for check up, I should have been there for her when she needed support for her pregnancy. Hindi ko siya dapat tinaboy. Habang abala ako sa pag-aalaga ng batang hindi pala ako ang ama ay tiyak na nagdurusa naman siya at ang magiging anak namin. I failed so many times as a man, as a husband. But I don't want to fail as a father.

This little thing here, this baby needs me. So I'll do everything to find them. This time, ako naman ang tataya. Gagawin ko ang lahat makita at makasama lang uli sila.

Tatlong lata na ng beer ang naubos ko nang mag ring ang cellphone ko. It was Harris.

"Yeah?" I answered.

"Hey, I found out that Veronica was last seen on the airport. She got in on a plane going to Iloilo." Sagot ni Harris.

Parang nabuhayan ako ng dugo sa narinig ko. So she's not in Manila? I started to think if she has a property in Iloilo, but she didn't mention any place to me.

"That's it?" I asked.

"No, she was also seen on a mall there. She was rushed to a hospital a week ago. Iyon lang ang nakuha kong impormasyon. I'll text the address of the hospital. Tatawagan nalang kita kapag may bagong impormasyon tungkol sa kanya."

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon