Camille
"Anong gusto mong kainin ngayon?" Kakagising ko lang at heto ang bungad sakin ni Guideon.
Hindi ko pa din makalimutan ang naging pag uusap namin ni Veronica kahapon. Sabi niya aalis na raw siya at magpapaka layo layo. Alam kong dapat maging masaya ako pero kahit na anong kapa ko ay parang hindi naman ako masaya.
"Kahit ano lang." Sagot ko kay Guideon.
Hindi ako masyadong pinapa galaw ng doktor dahil sa kundisyon ko. Kaya madalas bed rest lang ako, tatayo lang ako para magbanyo.
"Are you sure? Wala ka bang cravings?" Cravings? Hmm. Wala naman.
"I'm really okay. Kahit anong pagkain kakainin ko."
Hindi ako maka paniwalang buntis ako dahil wala akong naramdamang kahit anong sintomas sa loob ng dalawang buwan. Hanggang ngayon nga ay wala naman akong cravings. Isa lang talaga ang gusto ko. Gustong gusto kong makita si Greg.
"Sige. Just stay here, I'll bring your food." Lalabas na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Guideon, wag na. Kaya kong maglakad." I said.
"But the doctor said-."
"Kaya ko." Putol ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya at umiling.
"Why can't you just let me.." Nag iwas siya ng tingin sa akin.
"Why are you doing this?" Hindi ko maiwasang magtanong.
Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ipinapakita niya sa akin. This is so not him. Mas sanay ako na siya ang pinagsisilbihan.
"Taking care of my wife?" Kumamot siya sa ulo niya na parang nahihiya.
"It's just not like you.." Tiningnan ko ang mga daliri ko sa paa.
"I know we still didn't have the chance to talk, but everything is different now. We're gonna have a baby." Nag kibit balikat siya at lumabas na ng kwarto.
Kung makapag sabi siya na we're having a baby para namang hindi niya ina acknowledged ang ang magiging baby nila ni Veronica. I don't understand, bakit ganon nalang siya ka concerned sa amin ng baby at parang wala siyang pakialam kay Veronica?
Napatalon ako nang marinig ko ang phone ko kung saan, hinalughog ko agad ang kama at nakita kong si Greg ang tumatawag.
"Hello?" Tumikhim muna ako bago sumagot. Hindi maiwasang mapatalon ng puso ko.
"Hey." Paos ang boses niya at mukhang malungkot.
"B-bakit ka napatawag?" Tanong ko.
"You're not answering my texts." Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.
That's because my mom doesn't want to! Natatakot akong may makaalam.
"I've been very busy." Palusot ko.
"Really? Eh hindi ka naman lumalabas ng bahay niyo." May pang aakisa sa kanyang boses.
"H-how did you know that?" Palakas na ng palakas ang tibok ng dibdib ko.
"Because I'm always outside your house, Camille. Every damn day!" Kalmado ngunit mariin ang bawat salita niya.
"Ano? Greg, nababaliw ka na ba?" Dali dali akong lumabas ng veranda.
At hindi nga siya nagsisinungaling! Nakita ko ang sasakyan niya sa labas at naka sandal siya sa pintuan non habang titig na titig sa akin na para bang alam niyang lalabas ako ng veranda! Shit! What is he doing here! Kumalat ang adrenaline sa katawan ko. Takot akong may makakita sa kanya pero miss na miss ko talaga siya!

BINABASA MO ANG
The Second Woman
Narrativa generaleHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?