Chapter 41

31K 484 26
                                    

VERONICA

As soon as that stupid conversation ended, I called my daughter's nanny and told her to come back home immediately. Mabuti nalang at kada umaga at hapon ay nag si swimming sila sa dagat. My daughter loves the sea so much.

Hindi ko na papaabutin pa hanggang kinabukasan ang Pag alis namin ng anak ko. Hindi na ako papayag na maging magulo ulit ang lahat sa buhay ko. Maayos na ako eh, tahimik na kami. Bakit kung kailan hindi ko inaasahan ay saka pa babalik ang ama ng anak ko?

Hindi na ako nag isip pa, basta nag empake nalang ako ng mga damit. Natatakot ako dahil baka bumalik pa siya dito. Pabalik balik ako sa bintana para tingnan kung bumalik ba siya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang dumating na ang anak ko kasama ang nanny niya. Tulog na tulog ang bata. Mabuti naman.

"Ma'am, ano hong nangyari, bakit nag e empake kayo?" Nagtatakang tanong niya.

"Mida mamaya ka na magtanong. Tulungan mo muna akong mag empake dito. We'll leave as soon as we can."

Hindi ko naisip na darating pa ang araw na ito, na kakailanganin ko pang bumalik ng Maynila. But it's the only way. Mas mapo protektahan ko ang anak ko doon.

Pinilit kong i kundisyon ang sarili ko. I shouldn't be thinking about myself right now, dapat ay mas inuuna kong isipin ang ang kapakanan niya pero hindi ko maiwasang isipin ang pag balik ko sa Maynila. I have to face my dad, and everything that I left there. I have to plan my most awaited come back.

"Ma'am mukhang hindi ho tayo makaka daong ngayon, masama ho ang panahon." Ang sabi ng bangkero ko nang ipatawag ko siya.

Gabi na nga at mukhang malakas ang alon. Mahina na ang ulan ngunit wala pa din iyong tigil. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag hintay hanggang bukas. Kailangan ko nang umalis dito. Just the thought of having him around in this island turns my stomach up side down.

"Sige manong. We'll leave as sun as the sun rises." Nag aalalang sabi ko.

"Sige ho. Babalik nalang ho ako."

"Thank you, manong."

I quietly sat on the living room while waiting for my tea. Hindi ko magawang mag hapunan man lang dahil sa lalim ng pag iisip ko. Kapag sinabi ni Guideon na gagawin niya ang isang bagay, gagawin niya talaga.

Mukhang ngayon nga lang talaga nag sink in sa akin ang nangyaring kumprontasyon kanina.

Ang hirap lang din paniwalaan na hindi si Guideon ang ama ng dinadala ni Camille noon. I've had so many sleepless nights thinking about that. Gabi gabi ko ding iniyakan ang nangyari noon.

Hindi birong itaboy ka ng ama ng sarili mong anak. Ang unfair talaga ano? Tanggap ko na sanang hindi ko mabibigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko eh, tapos bigla bigla siyang susulpot na parang ganon lang kadali ang lahat?

Hindi naman parang chalk board lang ang lahat eh, buhay ko iyong nasira. Pati buhay ng inosenteng bata nasira nang dahil sa katangahan ko. I should have chosen another man but it was him that I loved and cared about the most. Anong napala ko? Naging kabit, nabuntis at iniwan.

I can still remember the day that my daughter was born. It was a bittersweet memory.

I lost so much blood and my body was so exhausted that I passed out. I almost died that day. Ramdam ko na noon ang panlalamig ng buong katawan ko. The next thing I knew, I was in the ICU. The nurse said I've been asleep for five days. I thought I don't deserve to live. I made so much mistakes, but I guess God is really good. Ayaw niya sigurong lumaking mag isa ang anak ko, and commit the same mistakes that I did.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon