Camille
Hindi ko alam kung pregnancy hormones ba itong nararamdaman ko o talagang minumulto lang ako ng konsensya ko. Guideon is so wonderful. Inaalagaan niya ako at nararamdaman ko rin naman na willing talaga siyang mag try para mag work ito. Pero ngayong nanganganib na lumabas ang pinaka tatago kong sikreto, hindi ako matatahimik.
I loved Guideon way before he knew me. Nag simula lang sa simpleng pag hanga, hanggang sa unti unti na akong nahuhulog. Palagi ko siyang sinusunaybayan sa mga events, at kahit minsan ay hindi niya ako napansin. Isang araw ay kinausap ako ni Mommy, sinabi niyang ipapakasal niya ako sa isang mayamang businessman. Siyempre hindi ako pumayag, pero nang malaman kong si Guideon ang sinasabi niyang businessman ay pumayag ako kalaunan.
Ngunit iba pala talaga ang gusto ng mommy ko. Gusto niyang huthutan ng pera si Guideon. Nang maiksal kami, nag merge din ang kumpanya ng pamilya namin at ang kumpanya ni Guideon. Ang gustong gawin ni Mommy ay ang unti unting ilipat sa pangalan ko ang mga properties ni Guideon, kasama na doon ang ilang cash. But the catch is, the marriage certificate was never registered. So when things go down, walang mahahabol sa akin si Guideon. Lalabas lang na parang nilipat niya lang sa pangalan ko ang accounts at properties niya. Kaya kung tutuusin ay wala talagang kasal na naganap. Hindi ako pumayag sa gusto ni mommy but she said it's the only way to get the man I love.
Akala ko magagawan ko ng paraan ang lahat, nag hintay ako na maipasa ang marriage certificate pero may mga nangyaring hindi ko inaasahan. Si Greg, hindi ko siya inasahan. Hindi ko rin inasahan ang pagbubuntis ko sa kanya. Ngayon ay buhol buhol na ang lahat at hindi ko na alam kung paano ako makakalabas.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Guideon habang nagmamaneho.
Galing kami sa check up. Maayos naman daw ang pagbubuntis ko, nakakaramdam lang ako ngayon ng morning sickness at pagiging sensitive sa amoy at pagkain. Hindi maganda ang gising ko kaninang umaga dahil nagsusuka ako.
"Oo." Tumango lang ako at hinilot ang noo ko.
Habang nag mamaneho siya ay pasulyap sulyap siya sa akin. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay kong nasa hita ko. Pinisil niya iyon kaya napatingin ako sa kanya.
"You'll be fine." Nginitian niya ako. Gumanti lang din ako ng ngiti sa kanya at hindj na nagsalita pa.
Hindi na niya binitiwan ang kamay ko hanggang sa makauwi kami. Pinag buksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan. Maglalakad na sana ako nang pigilan niya ako.
"Hmm?" Nilingon ko siya.
Nakasandal siya sa pinto ng sasakyan na kakasara niya lang.
"I'm sorry." Kinunotan ko siya ng noo.
Bakit bigla bigla siyang nag so sorry?
"Bakit?" Tanong ko.
Bumuntong hininga siya. Hinila niya ako ng maingat para mapa lapit ako sa kanya at tinitigan niya ako ng malalim sa mata.
"I-I know, I've hurt you. Ang dami dami kong kasalanan sa'yo." Mas malaki ang kasalanan ko sa'yo, Guideon.
"It's okay. It's all in the past now." Tipid ko siyang nginitian.
"Bakit ang bait bait mo?" Lumipat ang kamay niya sa baywang ko at mas ilapit pa ako sa kanya, ngayon ay wala na atang natitirang space sa aming dalawa.
"Kasi ganoon ang asawa?" Patanong kong sagot.
Bahagya siyang tumawa at ang gwapo gwapo niya. Hinaplos ko ang pisngi niya habang titig na titig sa kanya. Doon ay naglaho ang ngiti niya. Pabalik balik ang tingin ko sa mga mata at sa labi niya. Limot ko na kung kailan ko siya huling nahalikan.

BINABASA MO ANG
The Second Woman
General FictionHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?