A/n: Thank you for reading! Please hit the star and leave a comment below!
Guys, promote ko lang iyong story ng friend ni Guideon. Please read The Things I Hate About You, Scorpion's story. Makikita niyo siya sa profile ko. Thank you guys!
GUIDEON
I've lost all my hope. Maybe she doesn't really want to be found. It's been a year. My birthday has passed. Christmas, New Year, Valentine's Day. Our baby would probably be a year old now. Ilang beses na akong nagpabalik balik ng Iloilo pero wala. She was never admitted to that hospital again. I tried going to other hospitals but they won't disclose any information about Veronica.
Parang nawalan na ng gana ang buhay ko. Wala na akong ginawa kundi ang magpaka lunod sa trabaho. Kapag wala akong trabaho babalik ako ng Iloilo para hanapin siya. Wala na nga akong pakialam kung gaano man kalaking pera ang maubos ko eh. Hindi naman ako ganito dati, pero pag kay Veronica na pakiramdam ko mababaliw ako pag di ko siya nakita.
Gabi-gabi, nanghihinayang pa rin ako sa panahong sinayang ko. Those times that I took her for granted. Iyong mga panahong palagi siyang nasa tabi ko. I wish I treasured her more. Sana mas pinahalagahan ko pa siya noon.
Ngayon, handa na akong ipag sigawan sa lahat na siya lang ang nilalaman ng puso ko. Siya nalang ang nag iisang babae sa buhay ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang pumutok ang balita na ang kaisa isang anak ng mga Galico at ang tagapag mana ng Vallente Group of Companies ay hindi naman pala talaga kasal. Malaking ingay ang nilikha ng balita, I don't even care about my reputation anymore. Mas ginusto ko pa na mailabas na ng lahat ang baho ko para malaya ko nang makasama si Veronica.
Kumalas ako sa Galico group of companies. Hindi ganoong kadalin proseso pero ginawa ko. Gusto ko pag balik ni Veronica dito sa Maynila makita niyang malinis na ko.
I kinda think that I deserve this. Married or not, hindi ako dapat namangka sa dalawang ilog. It was fun and games in the beginning. For me, she was just my go to when I'm bored, or even when I just want to escape. But then I didn't even notice that everything is slowly changing. Hinahanal hanap ko na ang presensya niya bandang huli. I didn't know how to react back then. Hindi ko naintindihan ang sarili ko noon. At ngayon namang wala na siya sa tabi ko, saka ko lang napagtanto ang lahat.
Walang ibang dapat sisihin sa gulong ito kundi ako. I am an asshole. I think we all know that by now. Sabihin niyo nang hindi ko siya deserve. Sabihin niyo nang hindi ko deserve sumaya pero tangina kailangan ko siya. Hindi na ko magloloko ulit, I've learned from my mistakes. Wala man akong karapatan pero hinihiling ko sa Diyos na sana ibalik nalang siya sa akin.
Kung maibabalik ko lang lahat. Kung alam ko lang na magiging ganito 'yung kakalabasan. Sana hindi nalang ako nagpakasal. Sana nung umpisa palang kumalas na ko. Pero puta tanga nga ako eh. Tanga na ko. Ang galing galing ko sa negosyo pero ang bobo ko sa babae.
Iyong tipo ni Veronica, maganda at edukada. Pero ginawa ko lang siyang kabit. Tinanggap niya ang lahat ng iyon makasama lang ako. And yet hindi ko nakita 'yon. Iyong panghuhusga ng ibang tao sa kanya tinanggap niya. Pumayag sia sa maruming relasyon. Ang masakit pa don, may pagkakataon na siyang kumalas. Ay hindi pala. Gusto niya nang kumalas, pero ako itong gagong nagpumilit na manatili siya. Kaya kung may dapat sisihin dito ako iyon. Ako 'yung gago. My girl has suffered enough and I'll do every f*ckin' thing para makabawi sa kanya.
Naputol ang pag iisip ko nang biglang mag ring ang cellphone ko. This stupid friend of mine is calling me. Malamang ay kukulitin namaman ako.
"Hello?" I answered.

BINABASA MO ANG
The Second Woman
General FictionHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?