Chapter 50

34.9K 514 13
                                    

This will be the last chapter of TSW. Honestly, mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Ang tagal ko itong sinulat and finally matatapos na din. Gusto kong mag pasalamat sa mga readers na umpisa palang eh nandiyan na at hindi nagsawang maghintay ng update kahit sobrang tagal. Kilala ko kayo. Natatandaan ko kayong lahat. Thank you. Marami maraming salamat sa pag subaybay sa The Second Woman. Sa mga nainis, naiyak, kinilig at natuwa thank you. I'll see you all on The Things I Hate About You and Agape Mou, kung namimiss niyo si V at Guideon, mayroong mga cameo doon. Again, thank you all so much! Xoxo

Ps. If you guys loved The Second Woman vote and leave a comment below. Let's raise the rating of TSW one last time :)

Pps. There will be a special chapter about Camille and Greg.

VERONICA

I woke up to the sight of my beautiful man sleeping peacefully beside me. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako masanay sanay na gigising akong katabi siya at matutulog akong kayakap siya.

Si Guideon iyong tao na hindi ko inasahang magkakaroon ng malaking impact sa buhay ko. It started with just a game, I was a woman looking for fun and for thrill. I was stupid. There's no denying on that. He was a man who is trapped in an arranged marriage and found a temporary escape with me. Akala ko hanggang doon lang iyon. Akala ko, hindi pang matagalan. Sinong mag aakalang mamahalin ko siya sa puntong kaya kong isuko ang lahat para sa kanya? Sinong mag aakalang aabot kami sa ganito?

I've been called a lot of things before. Pokpok, kabit, kerida, number two. There's no excuse. I knew that. Wala akong pwedeng idahilan sa mga tao sa tuwing sisisihin nila ako sa nangyari sa akin. O sa tuwing kukutyain nila ako dahil kumabit ako sa isang respetadong personalidad. I used to blame myself for everything because I knew exactly what I'm getting myself into. Pumatol ako sa may asawa eh, dapat tanggap ko kung ano ang consequence noon. Hindi naman ako ipokrita, alam kong may kasalanan ako at hanggang ngayon ay pinag sisisihan ko iyon.

Umungol si Guideon at gumalaw. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at hinagkan sa noo.

"Good morning..." Paos na sabi niya habang pipikit pikit pa.

"Hi." Bati ko naman.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mukha niyang bagong gising.

"Why are you smiling?" Tanong niya. Nakakunot ang noo.

"Nothing. You just look too good." Nag-iwan ako ng magaang halik sa kanyang panga. Ang sarap sa pakiramdam ng mga papatubong balbas niya.

"Oh yeah? I'll show you what's good in the morning." Aniya at pagkatapos ay ginaya ako sa ilalim niya.

Nakadagan siya sa akin at hindi ko maiwasang matawa dahil ang aga aga pa ay napaka lakas na ng energy niya. And just like what I expected we spent the morning making hot, steamy, passionate love.

"Oh, ano nanamang pinapakain mo diyan?" Untag ko kay Guideon nang makita kong may nginangata nanaman si Hallie. Ang hilig niya kasing bigyan ito ng kung ano anong snack.

"Masyado namang OA si Mommy. Pretzel lang yan, sweetie." Tumatawang sabi niya naman.

"Konti lang ang ibigay mo ah? Baka sumakit ang tiyan niyan." Iiling iling namang sagot ko.

Busy sa panonood ng peppa pig si Hallie at dinedma naman ni Guideon ang sinabi ko. Iniwan ko sila doon sa sala dahil nag lalaba pa ako at naglilinis ng buong unit. Nakaka tawa lang isipin na noong isang buwan ay walang mapag lagyan ang sunod sunod na problema samin ni Guideon ngayon ay parang normal nalang ang lahat.

After we heard the news, binurol ng tatlong araw si Barbara. Hindi na kami nagulat na wala halos nagpunta sa kanyang burol. Si Daddy ang nag-ayos ng lahat ng gastos pati na sa pagpapalibing. Bumisita kami ni Guideon ng isang beses at nakipag libing. I also sent my condolences to Camille. Siya din ang punong abala sa burol ng Mama niya, Dad told me that Camille picked everything. Nakausap ko siya ngunit hindi naman ganon katagal. I learned from her that she hated her mother too for all the things that she had done, pero hindi niya pa din matitiis na mahal niya ang kanyang ina.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon