Guideon
"Anong plano mong gawin sa buhay mo?" Bumuntong hininga ako sa tanong ng kaibigan ko.
Nilakihan ko ang siwang sa pinto upang makapasok siya.
"Who sent you, Dominic?" Inaantok pa ako at wala akong planong makipag away sa kanya.
"What's happening to you, dude? Isang linggo ka na raw hindi pumapasok? Minove na namin ang out of town ng tropa para sayo." Nag kamot ako ng ulo.
Nakaka inis na silang pakinggan. Araw araw ata bawat isa sa mga kaibigan ko pinupuntahan ako sa unit ko. Bakit ba kasi hindi nalang nila ako pabayaan? Hindi ko naman sila pinapakialaman.
"I just- I need this. Okay? I want to be alone." Hinilot ko ang sentido ko.
Sumandal ako sa sofa at nirelax ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano oras na ako natulog kagabi pero pagod na pagod ako ngayon pag gising ko.
"Kung ano man 'yang pinag dadaanan mo, pwede mo naman kaming kausapin eh." Tinabihan ako ni Dominic sa couch.
Saglit ako nagpunta ng kitchen para kumuha ng ilang bote ng beer. Ito ang hapunan ko kagabi at ito rin ang agahan ko ngayon. Tanghalian pala dahil alas dos na ng hapon.
Sinulyapan ko ang kaibigan kong si Dominic. He always looked prim and proper. Maayos at naka clean cut ang kanyang buhok at naka salamin din siya. Doctor kasi.
"Hindi ka ba magsasalita?" Sa halip na sagutin siya ay kumuha ako ng isang bote. Binuksan iyon at nilagok ang laman.
"If this is about that girl that you want Harris to find..."
"Yes! It is! It s about her!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.
I'm not so sure if I can open up to someone like this. Simula nang gabing malaman ko ang tungkol kay Veronica, wala na akong ibang kinausap. I can't. Ni hindi ko nga masabi ang pangalan niya. Paano ko pa ipapaliwanag sa kanilang wala na ang babaeng hinahanap ko?
"What? What about her? Just tell us her name, man. We'll help you. Hindi 'yung nagiging ganito ka." Typical Dominic. Always calm and composed.
I used to be like him. Kayang kaya kong itago sa lahat ang emosyon ko, pero ngayon hindi ko alam kung matatago ko pa ito. If I cry, would it take away the pain? Hindi ko na ba mararamdaman itong sakit na ito?
Mariin kong pinag dikit ang labi ko. Pinipigilan kong lumabas ang mga hikbing nagbabadya. I never saw myself crying in front of my friend. In fact, I never saw myself crying like a little boy.
"Guideon. W-whatever it is, you can tell me." Bumuntong hininga siya.
Tinanggal niya ang salamin niya at minsahe ang pagitan ng mga mata niya. Pagkatapos ay nagbukas din siya ng isa pang bote at lumagok doon.
Nakayuko ako habang tinititigan ang mga kamay kong magka siklop. Sa totoo lang, gusto kong mag wala. Deep down inside, I'm crashing. I'm dying.
"T-the girl that I was talking about. She- she's gone." Humikbi ako.
Tumulo ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Shit I want this to stop. I want this pain to stop. But how can I do that? Natalo ako nang hindi man lang ako nakalaban. All those sleepless nights, lahat nang hirap at pagod ko mahanap lang siya nauwi sa wala. Life sucks, huh?
"What do you mean? Gone? Just tell me the name. Ipapahan ko din siya." Sagot ni Dominic.
No. You don't understand. Hindi niyo ako maiintindihan. This? This mess that I'm in. I made this. Hindi ko maiwasang isipin na kung hindi niya lang sana ako nakilala, sana nandito pa siya. Sana nandito siya.
BINABASA MO ANG
The Second Woman
Ficción GeneralHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?
