Chapter 49

31.2K 422 14
                                        

GUIDEON

Hininto ko ang sasakyan sa parking ng condominium building na tinutuluyan ni Veronica. Buong biyahe ay wala siyang imik at umiiyak lang.

"Hey. Talk to me..." Inabot ko ang mga kamay niyang nasa kandungan niya.

Malamig ang mga iyon.

"Sweetie... Kanina ka pa walang imik. Kamusta ang pakiramdam mo?" Sabi ko ulit nang hindi siya sumagot. Yumuko ako pero hindi ko pa din makita ang mukha niya dahil mas malalim ang pagkaka yuko niya.

Bumuntong hininga ako matapos ang ilang sandaling pananahimik. Maybe she got traumatized. Ang hirap namang mangapa kung ano ang nangyari. Gusto ko sanang makapag usap kami bago ako bumalik sa El Guero's para makausap ang mga awtoridad.

"Let's get you up." Lumabas ako at umikot patungo sa passenger side at inalalayan siyang tumayo.

Hinarang ko ang kamay ko sa ulo niya para hindi siya mauntog sa pag tayo niya. Good God! She is shaking so bad. At hindi niya pa din ako kinakausap. It's killing the fuck out of me.

Hanggang sa makarating kami ng unit niya ay paulit ulit na pag singhot at bahagyang pag hikbi niya lamang ang naririnig ko. Sinusubukan ko pa ding kausapin siya pero hindi talaga niya ako sinasagot.

"I'll get you some water. Sandali lang." Sabi ko nang hindi niya ako bitawan.

Pinaupo ko siya sa sofa at mabilis na nag-jog patungong kitchen para kumuha ng tubig. Uminom din ako at doon ko lang naramdaman ang matinding uhaw, gutom at pagod.

Mabilis ko ding hinatid sa kanya ang isang baso ng tubig na hindi naman niya naubos. Sumimsim lang siya ng kaunti at saka umiling.

"Tumahan ka na, V. I'm here." Pilit ko siyang kinakalma kahit hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya.

Is she mad at me? Nagbago na ba ang isip niya at ayaw na niya akong makasama?

"Veronica, kinakabahan na ako sa iyo. Kausapin mo ako." Sa huling pagkakataon ay nakiusap ako sa kanya.

Doon lang niya sinalubong ang tingin ko. Her eyes are puffy because of excessive crying. Pulang pula ang buong mukha niya lalong lalo na pisngi niya. Nangingintab din ang labi niya.

Lumapat sa magkabilang pisngi ko ang mga palad niya. She examined my face, she looked at mg arms, my chest, my legs and my foot. It's as if she was looking for something. Nang masiguro niyang wala akong bahid ng kahit ano ay bumuntong hininga siya bago sumubsob sa mga palad niya.

I didn't know what to do anymore. Pinabayaan ko nalang muna siyang iiyak ang lahat at pagkatapos ng ilang sandali ay kusa din siyang tumahan. Nakatulala nalang siya at ilang sandali pa ay kinuha ang isang baso ng tubig at ininom ng isang lagukan.

"I- I thought you're inside the restaurant! Akala ko wala na. Akala ko na tusta ka na din ng apoy doon!" Bulalas niya na may kasamang hagulgul.

"But I wasn't sweetie. I'm fine." I gently said.

"It's been hours, Guideon! Jesus, mamamatay ako sa sobrang kaba. Alam mo ba iyon?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

I don't know if I'll laugh or feel bad. Ang cute lang kasi niyang tingnan habang sinusuntok suntok niya ang dibdib ko eh hindi naman din ako nasasaktan. Sa huli ay hindi ko napigilang mapangisi. Lalong nalukat ang mukha ni Veronica.

"Bakit tumatawa ka pa diyan? Akala mo ba nag bibiro ako? Ha?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"No! Of course not! Alright, I'm sorry." Hinaplos ko ang braso niya upang pakalmahin siya.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon