Veronica
Gigantes Island is a small island found in Iloilo. I remember buying a property in here 4 years ago. Nagpagawa ako ng rest house at dito ang napili kong lugar dahil hindi masyadong crowded. My house was build above the mountains and you can clearly see the ocean from my veranda. I almost forgot that I have a house here. Pero tingnan ko nga naman, dito pala ako mapapadpad.
The island has no signal, pero dahil nasa pinaka tuktok na parte ang bahay ko ay may signal pa din ako ngunit hindi ganon kalakas. This is just the perfect place for me and my baby. Peaceful and quiet just like what I always wanted.
Dalawang linggo na akong nandito. I've never been more refreshed. Gusto ko ang pakiramdam na malayo sa lahat. Iyong tipong walang kahit na sinong iniisip, iyong hindi na ako gumigising araw araw na may iniindang guilt sa kalooban. Because right now, I'm free. I'm free from my sins.
Dito ko sisimulang buuin ulit ang sarili ko. Dito, kung saan malayo ako sa mga taong nanakit sa akin.
Kinapa ko ang impis na puson ko habang tanaw ko ang malawak na karagatan. Hindi ako natatakot. Kasi alam kong hinding hindi na muli ako mag iisa.
Camille
My mom has been calling me nonstop! Pero kahit isang beses ay hindi ko talaga sinagot iyon. Nag promise ako sa Daddy ko at tila kinukutaban na rin ako na parang may mali nga.
Aware naman ako na hindi kabaitan ang mama ko. Pero hindi ko lang din maintindihan ang Daddy. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong wala naman daw akong sakit noong teenager ako. Wala akong maalala sa nakaraan ko but all this time, ang nakagisnan ko ay may sakit ako at iyon na nga ang bumabalik ngayon.
But come to think of it, mag mula nang itigil ko ang pag inom ng gamot ay parang mas gumanda ang pakiramdam ko at hindi ako sinusumpong ng episodes ko. Naisip ko rin na kahit minsan ay hindi ako komunsulta sa sa ibang doctor maliban kay Tito Jose, and the meds that my mom gave me? I never tried to buy it on the drug store. Ni hindi ko alam ang tawag sa gamot. Pero dahil nanay ko naman ang nagbigay sa akin ay nag tiwala ako. Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Mommy.
"Dinner?" Napa igtad ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang ulo ni Guideon. Nakangiti siya.
Sinara ko ang binabasa kong libro.
"Ano'ng ulam?" Tanong ko.
"Sinigang." Pumasok siya nang makita niyang papatayo ako ng kama at inalalayan ako.
"Kaya ko na."Pigil ko sa kanya.
"I insist." Talagang consistent ang pagiging maalagain ni Guideon.
Mula sa kwarto hanggang sa dining ay talagang todo alalay siya sa akin.
Hindi ko pa din maiwasang mailang dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Pilit ko namang sinasaksak sa utak ko na ito naman ang gusto ko noon pa diba?
Naisip ko, bakit hindi ko subukan? Kay Guideon naman talaga nagsimula ang lahat. Sa tingin ko ay may natitira pa din naman akong damdamin para sa kanya. Minahal ko siya ng buong puso eh, hindi ganoon kadaling mawala iyon.
Pinag urong niya ako ng upuan at umupo ako r'on. Siya na rin ang nag lagay ng kanin at ulam sa plato ko. Ginagawa niya nanaman ang mga bagay na kahit minsan ay hindi niya nagawa sa akin noon.
"Gusto mo ba ng may taba?" Tanong niya. Hawak niya ang sandok na may lamang karne.
"Oo." Tumango ako.
BINABASA MO ANG
The Second Woman
Ficción GeneralHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?