Chapter 43

32.4K 502 40
                                        

VERONICA

Walang kamuwang muwang ang anak ko sa mga pangyayari sa paligid. Tahimik akong nakatanaw sa mag-ama habang sumisimsim ng matapang na wine.

Hallie is on his father's lap. They're both watching cartoons. Kahit kailan ay napaka bait na bata ni Shelly, hindi siya bugnutin na iyak ng iyak at kahit kanino ay talagang sasama siya.

"Ma'am? Siya po ba talaga ang tatay ni Hallie? Sus ginoo! Pagkaka gwapo uy!" Sumulpot si Ate Tessie at kagat labing naki nood sa akin.

"Ano ka ba ate Tessie!" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis eh.

"Matigas ba ma'am?" Tila nananabik na tanong niya.

Anong ibig sabihin ni Ate Tessie? Hala. Nalukot ang mukha ko at natawa ako sa reaksyon niya.

"Ang ano?" Tanong ko.

"Edi yung mga muscles! Ano ma'am? Tantya ko may abs iyan! Ilan? Anim?" Tuluyan na akong humalakhak sa mga pinagsasabi ni Ate Tessie. Paano ba naman kasi, halos mag laway na siya sa kakapanood kay Guideon. Pero hindi ko naman siya masisisi.

"Walo." Impit na sagot ko at nagtawanan kaming dalawa.

Nahuli naman ni Guideon ang paningin ko at malalim akong tinitigan. Napa simangot tuloy ako bigla.

Okay. Maybe it's not that bad. Baka naman gusto niya lang makilala ang anak niya? Although he's really vocal about wanting me back. But he's Guideon.

He loves the chase. He loves the thrill. At kapag nakuha na niya ako, magiging parang basahan nanaman ako sa buhay niya. At isa pa, masyado pang magulo ang lahat. I just can't believe that he is not married at all. Oh baka naman nag sisinungaling lang siya? But why go all trouble, right? It's easier to just let me go but he chose to follow me here. Ah basta! Hindi ako papayag na magulo niya nanaman ang sistema ko.

Hindi ko namalayang ilang oras na pala akong umiinom ng wine. Halos maubos ko na ang bote. Hinayaan ko lang si Guideon na patulugin si Hallie. Natigil ang pagmumuni muni ko nang tumikhim si Guideon. Nakita ko siyang nakasandal sa pader sa kusina.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi pinansin. Hindi ko naman din mapagkaila na ang gwapo niya sa suot niyang gray long sleeves at ragged pants.

"Can we please talk now?" Malumanay niyang sabi bago lumapit at umupo sa katabing breakfast stool.

Nag kibit balikat ako. Medyo tinatamaan ang sistema ko sa dami ng nainom ko.

"Bakit ka lumayo?" Hindi ko alam pero parang punong puno ng sakit ang boses niya.

What a stupid question. I scoffed before taking another sip. Kailangan ko pa bang sagutin iyon? Umiling ako.

"What? You're gonna play mute to me?" Naiinis na tanong niya.

"What do you think?" I finally answered.

It would be nice to know what he thinks after everything that's happened. Hindi siya sumagot at tumulala lamang. Ilang ulit ding gumalaw ang adam's apple niya.

"Let's change the question. Why didn't you go after me?" Pilitin ko mang itago ang sakit sa boses ko ay hindi ko magawa.

I've been trying to suppress my feelings for a long time. Para bang ngayon ay bigla nalang iyong sasabog. Mayapos ang ilang sandali ay hindi pa din niya ako sinasagot.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon