A/n: Tubig muna bago mag basa.
Please like and comment if you like the update. Xx
Camille
Hayaan niyo akong mas i explain pa sa inyo ang kalagayan ko. First, I was diagnosed with Bipolar I Disorder, nagkakaroon ako ng manic episodes na tumatagal ng ilang araw, minsan isang linggo o dalawa. Nag iiba iba ng moods ko, minsan masaya ako, minsan galit, minsan malungkot.
Wala akong maalala sa nakaraan ko. Ang sabi ng mommy ko, na admit ako sa isang mental facility. Pero imbis na gumaling ako, lalo lang lumala ang sakit ko. A few months later, na diagnose naman ako ng IED o Intermittent Explosive Disorder. Ito naman ang kawalan ng kakayahan na kontrolin ang galit ko. Masyado na akong delikado noon para sa ibang tao.
Gusto kong manakit. Gusto kong manira ng mga gamit. Hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Hindi ako aware sa ginagawa ko. Ang sabi ng mommy ko ay nag undergo ako ng therapy at medication. I was already sober and free from Bipolar Disorder and IED when Guideon and I got married. Hindi niya alam ang kalagayan ko dahil baka hindi niya ako pakasalan.
Palagi akong kinu-kwentuhan ni mommy na college palang daw ako ay gustong gusto ko na si Guideon. Kaya naman napaka saya ko nang ikasal kaming dalawa.
"Hija. Are you ready?" Pumasok si mommy sa kwarto ko.
Dalawang buwan na rin akong dito nakatira sa bahay. Hindi makakabuti sa akin si Guideon. Nasasaktan lang ako tuwing nakikita ko siya.
Ngayon ang birthday ni Dad at mayroong party na gaganapin sa isang tanyag na hotel sa Manila.
"I want you to be ready. Today is the day." Nakangiti si mommy habang sinusuklay ang buhok ko.
"What do you mean, mom?" Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Mamaya, pupunta sa party ang kabit ng iyong Daddy." Kumuyom ang palad ko.
Nagsisimula nanamang mag taas baba ang dibdib ko. Kahit anong pigil ko ay nanginginig pa rin talaga ang kalamnan ko. Ito na, nagsisimula nanaman siya.
"Sshhh. Calm down hija. Here, drink this." Pinainom ako ni Mommy ng gamot at tiningnan niya ako habang lumalagok ng tubig.
Si mommy ang unang unang pinuntahan ko nang naramdaman kong bumabalik ang sakit ko.
She told me that the trauma caused my disorder to come back. Ang emotional roller coaster na naramdaman ko ang dahilan ng lahat.
"Now, I want you to fix yourself dahil darating ang asawa mo mamaya. Hindi ba napag usapan na natin ito? Babalik ka sa kanya because it's the right thing to do." Kalmadong sabi ni mommy.
Yes, it's the right thing to do. But how can something so right felt so wrong at the same time? Sa loob ng dalawang buwan ay ni hindi ko iniyakan si Guideon. Oo at galit ako sa kanya, ewan ko ba. Siguro naguguluhan na rin ako sa pinaghalo haling nararamdaman ko.
"Mom. Kailangan pa po ba talaga? He doesn't love me mom. He will never love me." I said.
Nanlaki ang mata ng mommy ko at humigpit ang hawak niya sa buhok ko. Napa daing ako dahil ang sakit ng pagkaka sabunot niya.
"What did I tell you, Camille? Mukhang epekto ito ng sakit mo. Bukas na bukas ay pupunta tayo sa Tito Joaquin mo. Kailangan mo ng panibagong session." Pinal na sabi niya at saka binitiwan ang buhok ko.
Tumango ako kahit labag sa loob ko. Nakakapagod rin ipilit ang sarili ko kay Guideon. Basta simula nang nalaman kong may iba siya parang nawalan na ako ng gana sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng porket nawalan ako ng gana aayaw na ako. Kasal kami eh. Dapat kumapit ako kahit wala akong kinakapitan.

BINABASA MO ANG
The Second Woman
Ficção GeralHow does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?