Chapter 44

31.8K 457 34
                                    

Hey guys! Here's another update! I hope you like it. Kung naiinip na kayo mag hintay ng update, maybe you can read my other on going stories too. The Things I Hate About You and Agape Mou. Salitan kasi ako mag update sa kanilang tatlo, promise magugustuhan niyo. It's much lighter than TSW. Please hit the heart and leave a comment below. Thank you!!

VERONICA

Since I'm back in Manila, I might as well get back on my business too. Ang tagal ko na ding ipinagkatiwala sa VP ko ang paghawak sa kumpanya. Namimiss ko na ding gumawa ng bagong designs, maghanap ng tela at siyempre ang iba't ibang photoshoots at exhibits.

Ang tanong ay kung may babalikan pa ba akong career dito? When everything went down, kalat na kalat sa buong pilipinas na kabit ako. Hindi man ni Guideon ay ng sarili ko namang Ama.

Speaking of Dad, wala akong balita sa kanya. Medyo nasaktan ako nang hindi man lang niya ako hinanap. But you know, lumaki naman na ako ng wala siya eh kaya ayos lang. Isa pa, lahat ng files ko ay sealed, kung sakali mang hinanap niya ako ay sa dead end din ang bagsak niya.

"Baby, you finish your food na ha." Hindi ko alam kung naiintindihan ba ako ng anak ko, pero gusto ko siyang kausapin ano.

She answered me with gibberish and clapped as if she liked what she is eating. It's just mashed bananas and strawberries.

"Good Morning po Ma'am" Bati ni ate Tessie sa akin.

Nag iwas ako ng tingin dahil kinakabahan ako na baka narinig niya ang bangayan namin ni Guideon kagabi. Pero nang wala siyang banggitin sa akin ay saka lamang gumaan ang dibdib ko.

Parang hindi pa ako handang iwanan ang anak ko sa bahay. She's just a year old. Sigurado akong mamimiss niya ang kanyang Mommy.

"Sigurado na ho kayo? Babalik po kayo sa trabaho?" Tanong ni Ate Tessie habang nag aagahan kami.

"Yeah. I missed fashion designing. Isa pa, oras na para sa comeback ng nag iisang Veronica Bellerose." Pabiro kong sinabi ang huling pangungusap.

"Siguradong mag iingay nanaman ang pangalan niyo. Handa na po ba kayo? Eh paano naman po si baby Hallie." Tama siya. Kung sakaling bumalik ako sa industriya ay hindi maiiwasang ma drag ang pangalan ng anak ko.

Ke kwestyunin nila kung sino ang ama niya.

"Ah basta. Hindi ko na muna iniisip 'yan. I'll focus on making new designs for now." Sabi ko at pagkatapos ay inilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

Nag ring ang doorbell at akmang dadaluhan iyon ni ate tessie.

"Ako na. Kumain ka nalang diyan." Nginitian ko siya.

Humalik muna ako kay Hallie na busy sa pinapanood niyang educational cartoons bago dumiretso sa pinto.

Laglag ang panga ko nang makita ko si Guideon sa labas. Ayos na ayos ang buhok at naka corporate attire, kumpleto at yummy.

"Anong ginagawa mo dito?" Kinunutan ko siya ng noo at saka inayos ang boses kong nanginginig.

So what if we made out last night. Pareho naman kaming adults. And that's just it, no more no less. Hanggang doon nalang iyon.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon