Chapter 46

32.2K 428 6
                                        

SHAMELESS PLUG!!!
Check out the Things I Hate About You and Agape Mou on my profile. Stories ng mga tropa ni Guideon. Thanks guys! Hit the heart and leave a comment below.

I smiled when I felt little stubble and a pair of soft lips kissed me. I instantly knew it was him. He playfully kissed my lips, my cheek and my neck repeatedly.

"Wake up sweetie." Paos ang boses na sabi niya. Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa bewang ko at hinigit ako palapit sa kanya.

"What time is it?" Tanong ko habang nakapikit pa din.

"It's almost lunchtime."

Tanghali na pala pero antok na antok pa din ako. Hindi na nakakapag taka dahil inumaga na kami kagabi. Ano daw?

"Hindi ka pumasok?" Kumurap ako at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"No, I took the day off. Wanna spend some time with my family." Ngumiti din ako at dinampian siya ng halik sa labi.

Napaka sarap sa pandinig na tawagin niya kaming pamilya niya. Akala ko ay hindi mangyayari iyon kailanman pero eto, nandito siya sa akin.

Tumhaya siya at tumingin sa kisame. Yumakap naman ako sa kanya at nagtaka kung ano ang iniisip niya.

"What is it?" Tanong ko habang nakayapos sa dibdib niya.

"Something doesn't add up." He said.

Bahagya akong tumawa.

"Oh, we're still not done about this topic?" Kagabi ay matagal kaming nag usap. Maayos na ang lahat at nagkaliwanagan na kami.

"If you didn't fake your death, then somebody must have done it. I just can't figure out who it is."

Napaisip ako sa sinabi niya at iisang tao lang ang alam ko na pwedeng gumawa noon. Hindi ko na muna sinabi sa kanya dahil ayoko siyang mag alala. We have a lot to catch up on, lalong lalo na silang mag-ama. I am just glad that everything is back to it's place now.

Magkaakbay kami nang lumabas kami sa kwarto. Nagbibiruan kami at pareho kaming nagtatawanan dahil sa banat ng isa't isa. Para kaming teenagers na first time naiwan mag isa.

Nalaglag ang panga ni Ate Tessie nang makita kami. Paano ba naman, naka night gown lang ako at naka boxer shorts lang si Guideon. Wala siyang damit kaya iyon lang ang suot niya. Kitang kita ko pang lumunok si Ate Tessie at tiningnan ng malagkit ang abs ni Guideon. Tinanguan lang siya ni Guideon at nginitian ko lang siya bago kami dumiretso sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya habang nag hahalungkat ng mga pagkain sa ref.

"You." Tumigil ako at tiningnan siya ng seryoso.

"Sorry." Humalakhak siya.

"Ano nga?" Tanong ko.

"Kahit ano basta luto mo." Wow, ang cheesy niya ah.

Pabiro ko siyang tiningnan ng masama bago nagsimulang maghanda na magluto. I'm too old for this but I can't hide my happiness right now. Iba pa rin talaga kapag alam mong wala ka nang nasasagasaang tao.

"By the way..." Lumingon ako kay Guideon na sumimsim ng kape.

"Hmm?" Tanong ko.

"I was thinking about what you said last night. Parang may hindi tama." Seryosong sabi niya.

"Ano ba 'yun? Kanina mo pa bukang bibig 'yan pag gising mo." Tatawa tawang sabi ko.

"I'm serious, V. Whoever that is, sigurado akong ayaw niyang magkita tayo."

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon