JANELLA
Nandito kami ngayon sa labas ng kotse ni Father kung saan ito naka park. Hinihintay nila ang kanilang mga Lola dahil nagpapaalam pa ang mga ito kay Mayor.
After nila mag sayaw ni Elmo, hindi na siya hiniwalayan nito, lagi na itong nakatabi sa kanya, sinubukan na naman siyang lapitan ni Marky pero pinaalis niya rin ito dahil nag iiba ang aura ng katabi niya kapag nalapit sa kanya ang lalaki.
Pansin rin niyang panay ang tingin sa kanila nang kababata nito na hindi mo alam kung saan bang panahon nanggaling, kinabog niya talaga si Maria Clara sa pa ootd nito, kaya natatawa talaga siya kapag napapadako ang tingin niya rito.
"Ang tagal nila Lola." sabi ng katabi niya.
Tumingin lang siya rito at nginitian naman siya ng lalaki.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito kanina kahit bulong lang yon, rinig na rinig pa rin niya yon. So.. totoo ngang nagseselos talaga siya kay Marky? Kaya pala ganun na lang inaakto nito kapag nalapit sa kanya ang lalaki.
Gusto niya sanang tanungin ito pero naunahan na talaga siya ng hiya at baka hindi niya na naman magustuhan ang isasagot nito kapag tinanong niya.
Pero kailangan niya rin talaga linawin ang totoong nararamdaman niya, ibang iba na ang ipinaparamdam ng Paring na to sa kanya, natatakot siya na baka kapag nahulog na siya, hindi siya masasalo ng lalaki, lalo na't sa estado nito ngayon, imposible yun mangyari at baka masaktan lang siya sa bandang huli.
Pero konting kapit na lang mahuhulog na talaga siya..
Haaaay.. napabuntong hininga na lang siya.
"Ang lalim nun ha. Anong bang iniisip mo? Pwede natin pag usapan yan habang naghihintay tayo kila Lola." nakangiting sabi nito.
Natawa na lang siya. Sa tingin niya ba masasabi ko sa kanya yung mga nasa isipan niya, eh ito lang naman laging iniisip niya.
"Wala lang to. Ano ka ba!" pagtatanggi niya. Hindi rin naman niya alam kung paano ito sasagutin.
"Kailan ang balik mo sa Manila?" pag iiba nito. Nabigla naman siya sa tanong nito. Gusto na ba nito pauwiin siya?
"After siguro ng summer. Balik school na rin kasi nun." sagot niya rito. Tumango naman ang lalaki.
"Mosey, nandito ka lang pala."
Napatingin naman sila pareho sa nagsalitang yon. Wala ng iba kundi ang sinaunang babae na kababata ng Paring to at bff ni Maria Clara.
Tsk.. Panira ng moment!
"Uuwi ka na?" tanong uli ng babae. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito na para bang wala siya sa tabi ng lalaki.
"Ahm oo, hinihintay lang namin sila Lola." sagot naman ng lalaki.
"Ganun ba, kailan ka ulit makakadalaw dito Mosey at makapag kwentuhan ulit tayo, miss ko na kasi yung dati eh.." ngiting ngiti naman itong bff ni Maria Clara.
May pagkurap-kurap pa ito ng mata na para bang nang aakit.
Pwe! Hindi siya kaakit akit no!
Tiningnan naman niya ang lalaki na parang bang di mapalaki sa kinatatayuan niya.
"Ah e-eh hindi ko pa alam eh.." tipid na sagot naman nito.
"Basta sabihan mo ko ha. Para makapaghanda ako."
Hindi naman niya napigilan umirap, obvious naman na may gusto itong babae na to sa katabi niya.
"S-sige t-tawagan na lang kita.."
Aba at nagkapalitan na pala agad sila ng contact number. Hmp!
"Sabi mo yan Mosey ha." ngiting wagas naman ang babae. Grrr!
Tumango lang ang lalaki at saka siya tiningnan nito.
Buti naman naalala niyang nandito pa ako!
"Mauna na ako sa loob Mosey baka kasi hinahanap na ako. Bye! Next time ulit ha." paalam ng babae.
Tiningnan naman siya ng babae at tinanguan naman niya ito, pero agad rin ito umiwas ng tingin sa kanya.
Aba! Suplada ha!
"Sige—"
Hindi pa man natatapos ang sasabihin ng katabi niya ng biglang humalik ang babae sa pisngi ng lalaki at saka ito nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
Napanganga naman siya habang itong Pari na to natulala lang at nakuha pang hawakan ang pisngi kung saan humalik ang babae.
Nakaramdam na naman siya nang inis, biglang nag init ang tenga niya.
"Punasan mo yan.." may pag diin na sabi niya.
Trigerred na siya!
"Ha?" lutang naman ang lalaki.
Wag niyang sabihin na nagustuhan niya ang halik ng bff ni Maria Clara?! Argh!
Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at siya na mismo ang nag punas ng pisngi nito. Nanggigil pa siya ang habang pinupunasan to.
Gigil si ako talaga grrr!!
"Awww, dahan dahan lang naman.." reklamo naman ng lalaki, pero hindi niya pa rin ito pinansin, lalo lang niya diniin ang pagpunas dito.
Madiinan na ang pagpunas niya para mawala ang germs na dala ng babaeng yon sa paghalik ng pisngi ng Paring to.
"Galit ka ba?" biglang tanong ng lalaki.
"Hindi.. Hindi ako galit!" naiiritang sagot niya. Nakuha pa nito magtanong ha!
Tinawanan siya ng lalaki na lalo naman niyang ikina-inis.
"Sa susunod umiwas ka kapag hahalikan ka ng babaeng yon!"
"Opo mam hahaha.." patuloy pa rin ito sa pagtawa sa kanya.
Tsk! Walang nakakatawa no!
Napatingin naman sila pareho sa paglabas ng Lola nila. Binawi naman niya agad ang kamay at saka niya ibinulsa ulit ang panyo.
"Oh mga apo pasensya na at pinaghintay namin kayo, dami pa kasing chika ni Mayor eh." natatawang sabi ni Lola Cecilia.
"Gusto mo ba ulit pumunta ng Stellan bukas?" bulong ni Elmo sa kanya.
Nanlaki ang mata niya ng marinig ang lugar na yon, gustong-gusto niya ulit pumunta doon kaso nga lang nakalimutan niya kung saan sila dumaan at baka maligaw siya kapag siya lang ang pumunta mag isa.
Panay tango naman niya dito, hindi naman halatang excited siya.
"Bukas, susunduin kita." pabulong uling sabi nito. Nakangiti ito sa kanya at may pagkislap pa ang mga mata.
Ahhh Father! Wag ganyan! mahuhulog na talaga ako!
"Tara na, at ng makauwi na tayo, masyado ng malalim ang gabi." biglang sabi ng Lola Senya niya.
Sumunod naman sila dito at sabay sabay na silang lahat sumakay sa kotse at tahimik na bumiyahe.
Hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa mga labi niya. Tiningnan naman niya ang lalaking katabi niya, nakangiti rin ito tulad niya.
Haayyy Elmo sasaluhin mo kaya ako??
——:9
BINABASA MO ANG
SINS
Romance(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)